Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesTuloy ang kaso! Security guard na binugbog ng anak ni Congressman Teves,...

Tuloy ang kaso! Security guard na binugbog ng anak ni Congressman Teves, naghain na ng ‘sworn statement’

Kahit na isang simpleng mamamayan lamang siya ay lakas loob na itinuloy ng security guard na si Jomar Pajares ang pagsasampa ng kaso laban kay Kurt Teves, anak ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Teves.

Matatandaan na sinaktan at pinaluhod ni Kurt ang security guard matapos siyang hindi nito papasukin sa BF Homes Subdivision sa Paranaque City dahil sa walang sticker ang sasakyan nito.

Kahit ginawa lamang ni Pajares ang kanyang trabaho ay sinaktan ito ng suspek na isa ring Board Member sa kanilang probinsya.

Nitong Marso 26, hinarap ni Pajares ang mga abogado na tutulong sa kanya para magsampa ng kaso laban sa suspek na kinokonsiderang ‘untouchable’ sa kanilang lugar.

Itinanggi rin ni Pajares na nagtago siya at naduwag na sa pagsasampa ng kaso.

“Hindi ako nagtatago! Nagpahinga lang ako at sinigurado ko na ligtas ang asawa at pamilya ko,” paliwanag ni Pajares.

May ilang party-list din na nagbigay ng tulong kay Pajares, kasama na dito ng ‘Frontliners Ang Bida’ at ‘ACT-CIS’.

“Si Jomar ay isang dating fast food crew at makikita niyo sa timeline ng buhay niya, isa siyang frontliner. So yung ganitong klaseng pagkakataon na ginagampanan mo yung trabaho mo, ginagawa mo ng tama… pero may mga taong abusado, mga taong in authority or in power na mananakit sa’yo its about time na magkaroon ng boses ang mga frontliners,”  ani Celine Pialago ng Frontliners Ang Bida Partylist.

Nitong Marso 28 naman ay naghain na ng kanyang ‘sworn statement’ si Pajares laban sa anak ni Rep. Teves.

Sa ngayon ay nasa protective custody parin ng mamamahayag na si Ben Tulfo si Pajares.

Wala pang pahayag ang kampo ni Teves sa ginawang aksyon laban sa kanila ng security guard.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular