Friday, September 30, 2022
HomePoliticsTricia Robredo, ibinahagi ang pakikipag usap niya sa isang BBM-Sara supporter: “Ipaglaban...

Tricia Robredo, ibinahagi ang pakikipag usap niya sa isang BBM-Sara supporter: “Ipaglaban din natin sila,”

Ibinahagi ng anak ni presidential candidate Vice President Leni Robredo na si Tricia ang pakikipagusap niya sa isang tagasuporta ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Tricia ang isang larawan kung saan makikita na kausap niya ang isang ginang na may soot na BBM-Sara shirt bilang parte ng kanyang house-to-house campaign.

Ayon kay Tricia ay naiintindihan niya na hindi lahat ng makakausap niya ay makukumbinsi niya na iboto ang kanyang ina, ngunit hindi parin nawawala ang respeto niya sa mga tagasuporta ng katunggali nila.

“Hindi maco-convert lahat pero lumalapit pa rin para bumati, lalo na dahil nakikidaan lang tayo sa lugar nila. Nung lumapit ako kay Nanay, she was pleasant & she even greeted back. Pahabol niya, ‘hindi tayo ang nag-aaway,’” ani Tricia.

Dahil dito ay hinimok ni Tricia ang mga followers niya na awayin ang mga tagasuporta ng ibang kandidato.

“Be more mindful of comments that do come off as offensive and elitist. Avoid name-calling (ie bobo, bayaran). Maraming nabiktima lang din ng disinformation. Maraming hirap, kumakayod at naghahanap lang ng maiuuwi sa pamilya. Ipaglaban din natin sila,” sabi ni Robredo.

Matatandaan na painit ng painit ang palitan ng mga mensahe sa pagitan ng mga netizens lalo na’t papalapit na ang halalan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular