Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesSalvador Panelo, opisyal ng gumawa ng sariling bersyon ng kanta ni Sharon...

Salvador Panelo, opisyal ng gumawa ng sariling bersyon ng kanta ni Sharon Cuneta

Opisyal ng gumawa ng sariling bersyon ng awitin na “Sana’y Wala Nang Wakas” si senatorial candidate Salvador Panelo.

Matatandaan na orihinal na inawit ni Sharon Cuneta ang nasabing kanta na naging ugat ng alitan sa pagitan ni Megastar at ng kandidato.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Panelo ang kanyang pagpunta sa VIVA studio upang i-record ang sariling bersyon niya ng kanta ni Sharon.

Ayon kay Panelo ay alay niya sa mga children with disabilities (CWD) katulad ng kanyang pumanaw na anak na si Carlo ang nasabing kanta.

Hinimok niya rin ang mga magulang na mayroong anak na children with disabilities na maging parte ng kanyang music video.

“Last night, we recorded “Sana’y Wala Nang Wakas” with Viva Records. The recording will be out soon. As many have now realized, the song perfectly captures the unconditional love of parents for their children, especially those with special needs/ disabilities (CWDs).” ani Panelo.

“For the music video, we plan to feature pictures of CWDs with their parents to help raise awareness for the plight of CWDs in the country. Please send your pictures by email to [email protected] for a chance to be featured. We will accept pictures until April 2, 2022 (this Saturday).” dagdag niya pa.

Kamakailan lang ay humingi na ng tawad si Sharon sa kanyang inasal matapos niyang pagbawalan si Panelo na gamitin ang kanyang kanta.

READ MORE: Sharon Cuneta humingi nag public apology matapos ang post niya laban kay Sal Panelo: “Never ko ipinagdamot ang awit ko kahit kanino.”

“Never ko ipinagdamot ang awit ko kahit kanino. In fact, I feel honored whenever someone chooses it to sing. Siempre, mas madaming may gusto sa kanta mo, mas maligaya ka,” ani Sharon.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular