Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesPangulong Duterte hinimok ang mga tao na wag iboto ang mga Makabayan...

Pangulong Duterte hinimok ang mga tao na wag iboto ang mga Makabayan party-list

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga botante na huwag iboto ang mga party-list group na konektado sa CPP-NPA-NDF.

Sa kanyang ‘Talk to the People’ sinabi ni Duterte na ang mga party-list katulad ng Kabataan, Anakpawis, ACT-Teachers, at Gabriela ay konektado sa mga komunista na kalaban ngayon ng gobyerno.

“Makita naman ninyo sa behavior nila and the way they espouse their advocacy for a party, left ang talagang drift nila,” ani Duterte.

“Ang problema they are supporting or they are really parang legal fronts ng Communist Party of the Philippines. … Dalawang ulo nito, miyembro ng Congress, sundalo, at hindi lang part-time. ‘Yan ang totoo,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay nasasayang lamang ang pera ng gobyerno mula sa mga party list ng Makabayan dahil sa napupunta lamang ang budget nila sa NPA.

“Huwag ninyong iboto ‘yan, kung iboto niyo ‘yang partylist ang bala, magkano ang isang bala ngayon? .. Isang putok is P30, huminto na kayo dyan kung ibigay natin sa barangay lahat nagsasayang kayo ng buhay, nagsasayang kayo ng pera,” sabi ni Duterte.

Sinabi rin ng pangulo na ang mga namumuno sa CPP-NPA-NDF ay kumikita ng bilyon bilyong piso.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Makabayan bloc sa pahayag ni Duterte.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular