Monday, October 3, 2022
HomePoliticsPacquiao, sinabi na aatras lamang siya sa isang kondisyon: "Pag may instruction...

Pacquiao, sinabi na aatras lamang siya sa isang kondisyon: “Pag may instruction ang panginoon sa akin

Handa diumanong umatras si Sen. Manny Pacquiao sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa isang kondisyon.

Sa panayam sa kanya ng media sa kanyang campaign rally sa Maynila nitong Lunes (Marso 28) ay sinabi ng pambansang kamao na aatras lamang siya sa pagtakbo kung ito’y iuutos ng Panginoon sa kanya.

“The only thing na pwede ako mag-decide na hindi ako tumuloy pag may conviction na ang Panginoon sa akin na wag ka na tumuloy. Sino pa naman ako para kontrahin ang Panginoon?” ani Pacquiao.

“’Pag may conviction, may pinakita sa akin ang Panginoon, mag-withdraw ako kahit na two days before election o one day before election, pag may instruction ang panginoon sa akin, susundin ko,” dagdag niya pa.

Ibinahagi niya rin kung ano ang posibleng ibigay na ‘sign’ sa kanya ng Panginoon kung sakali na paatrasin siya nito sa pagtakbo.

Isa dito ay ang diumano’y mga pare-parehong panaginip niya tuwing natatalo siya sa mga laban niya sa boksing.

“Many times nanyari sa buhay ko, halos karamihan ng talo ko sa boxing, one week before napanaginipan ko ‘yan, nananaginip ako ng resulta. ‘Di lang yan kwento dahil tapos na ang mga fights ko, may mga pinagsasabihan ako bago maganap yung laban, at exactly yung sinabi ko na panaginip ko, yun ang exactly na nangyari sa fight,” kwento ni Pacquiao.

Matatandaan na nagkwento noon si Pacquiao tungkol sa ‘pulang kabayo’ na kanyang napanaginipan bago ang laban niya noong 2012 kay Juan Manuel Marquez kung saan ay natalo siya via knockout.

 

Sa ngayon ay mababa parin ang natatanggap na rating ni Pacquiao sa mga survey ngayon kaya naman ilan sa mga netizens ang pinayuhan na umatras na ang pambansang kamao upang hindi na mabawasan pa ang kayamanan niya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular