Friday, September 30, 2022
HomeCelebrities"Oh my gosh!" Gretchen Barretto, ipinagmalaki ang kanyang mga pearl accessories na...

“Oh my gosh!” Gretchen Barretto, ipinagmalaki ang kanyang mga pearl accessories na nagkakahalaga ng milyon milyong piso

Ipinagmalaki ni Gretchen Barretto ang mga bagong dagdag sa kanyang ‘pearl collection’ na nagkakahalaga ng milyon milyong piso.

Sa ulat ng Pep.ph, itinanghal na ‘pearl ambassadress’ ng luxury brand na Jewelmer si Greta dahil sa pagbili nito ng mamahaling princess-style pearl necklace at isang pares na golden South sea pearl earrings.

Makikita sa Instagram post ni Gretchen ang pagtanggap niya ng plaque mula sa may-ari ng Jewelmer na si Manuel Conjuangco at Jacques Branellec.

Si Manuel ay pinsan ng ama ng kasalukuyang partner ngayon ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco.

“Oh, wow! What is my special talent to deserve the plaque?” ani Gretchen matapos niyang matanggap ang nasabing plaque.

Mula sa Instagram ni Gretchen Barretto (@GRETCHEN_BARRETTO )

Makikita rin ang regalo na natanggap niya mula sa nasabing luxury brand.

Mula sa Instagram ni Gretchen Barretto (@GRETCHEN_BARRETTO)

Hindi naman nakalimutan ng dating aktres na pasalamatan ang kanyang partner na si Tonyboy.

Ayon kay Gretchen ay nag umpisa siyang mangolekta ng pearl noong isang taong gulang pa lamang ang anak nila ni Tonyboy na si Dominique Cojuangco.

“My dada [husband Tony Boy Cojuangco] purchased 2 sets of necklaces & earrings in time for Dominique 1st birthday.” sabi ni Gretchen sa kanyang deleted ng Instagram post.

Isa sa mga pinakamahal na koleksyon niya ay ang pearl necklace na nagkakahalaga ng walong milyong piso.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular