Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesAma ni Ana Jalandoni dismayado sa ginawa ni Kit Thompson: Ganyan pala...

Ama ni Ana Jalandoni dismayado sa ginawa ni Kit Thompson: Ganyan pala niya susuklian ang anak ko.

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang ama ng aktres na si Ana Jalandoni matapos ang insidente na kinasangkutan ng kanyang anak at ng nobyo nito na si Kit Thompson.

Sa panayam sa kanya nitong Marso 28, sinabi ni Lawrence Jalandoni na hindi niya inaasahan na magagawa ni Kit na saktan ang kanyang anak.

Ayon kasi kay Mr. Jalandoni ay nakita niya naman kung paano nagmahalan ang kanyang anak at ang aktor.

“Hindi ko inasahan na mangyayari ‘yung ganyan,” sabi ni Jalandoni sa media.

“Kilalang kilala ko ang anak ko eh. Although four months pa lang sila, kitang-kita ko ‘yung pagmamahal ng anak ko sa kanya. Pinakita niya kung gaano niya ka-mahal.” dagdag pa nito.

Dahil dito ay hindi siya makapaniwala na magagawa ni Thompson na pagbuhatan ng kamay ang kanyang nobya.

“Pero ‘yung dumating ang ganyang sitwasyon, hindi ko maisip na ganyan pala niya susuklian ang anak ko. Halos mamatay na e,” pagalit na sabi ni Mr. Jalandoni.

“Siguro naman hindi naman lingid sa inyong lahat na lahat tayo, mga magulang din tayo, alam natin kung gaano kasakit pag nasasaktan ang mga anak natin lalu pa at ganyan ang inabot,” dagdag niya pa.

Nangako naman ang pamilya Jalandoni na ipaglalaban nila ang karapatan ng aktres.

“Kaya itong pagharap namin sa inyo, talagang ilalaban namin ‘yan hanggang matapos iyan para mapatunayan namin na kung ano ang para sa anak ko na katarungan na hinahangad namin.”

Patong patong na kaso ang maaring kaharapin ni Thompson dahil sa ginawa niya sa aktres.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular