Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesSenador Dela Rosa, sinagot ang mga akusasyon ni Greta: “I never played...

Senador Dela Rosa, sinagot ang mga akusasyon ni Greta: “I never played sabong my entire life”

Mariing itinanggi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang mga akusasyon laban sa kanya ng e-sabong enthusiast na si Gretchen Barretto.

Matatandaan na inakusahan ni Greta si Sen. Dela Rosa ng paglalaro ng sabong dahil sa diumano’y mamahaling relo na soot ng senador.

“Tumatalkpak kasi ‘tong si Bato na ‘to e. Bato, ilabas natin ‘yung mga talpak mo kaya? Alam ko may balance to sayo, Kate, no?…The truth will come out, Bato, soon.” ani Barretto.

“Ang mahal ng relo ni Bato. Saan kaya nanggaling ‘yan? “My God! A Senator has that watch, Oh my gosh!”  sabi niya pa.

READ MORE: Gretchen Barretto, duda kung paano nakuha ni Sen. Bato ang kanyang relos: “Saan kaya nanggaling yan?”

Ngunit ayon kay Dela Rosa na nagsilbi sa bayan bilang pulis ng mahigit tatlong dekada ay hindi siya naglaro ng sabong sa buong buhay niya.

“I never have played sabong in my entire life not even once.” ani dela Rosa.

Ipinaliwanag din nito na nagkakahalaga lamang ng P85,000 ang kanyang relo.

“Regarding my watch, pagbigyan mo naman akong bumili ng 85k worth na tag heuer na relo as a gift to myself after serving my country and the Filipino people.” ayon kay dela Rosa.

Kung titignan ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ay kayang kaya nitong bumili ng relos na aabot sa milyon milyong piso ngunit hindi ito pinili ng senador.

Aabot din sa milyong piso ang retirement benefits na natanggap ni Dela Rosa kaya hindi na nakakapagtaka kung makapamuhay ito ng marangya.

Si Dela Rosa ngayon ay nag-iimbestiga sa mga diumano’y nawawalang sabungero at iba pang problema na naidulot ng online sabong sa bansa.

Parte si Barretto ng e-sabong business ni Charlie “Atong” Ang na kumikita ng bilyon bilyong piso kada buwan mula sa mga sabungero.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular