Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesMelai Cantiveros, binatikos matapos pagbantaan na ipapakulong ang isang netizen: “Be responsible...

Melai Cantiveros, binatikos matapos pagbantaan na ipapakulong ang isang netizen: “Be responsible with your actions”

Inulan ng batikos sa social media ang komedyante na si Melai Cantiveros matapos nitong pagbantaan na ipapahanap at ipapakulong ang isang netizen na nam-bash sa kanya.

Matatandaan na nag umpisa ang isyu matapos magsalita si Melai laban sa isang kandidato.

“Ayaw natin sa magnanakaw. Walang may gusto ng magnanakaw. Kung may record ng pagnanakaw, ekis na agad sa gobyerno,” ani Melai.

Dahil dito ay may ilang netizen na tagasuporta ng isang kandidato ang binatikos si Melai at umabot pa sa punto na pati ang pamilya niya ay nadamay.

Hindi naman nagpatalo ang komedyante at nangako na ipapahanap niya ang mga bashers niya.

“Nananawagan po ako kung nasaan ang taong ito nang masampahan ng nararapat [na] legal na aksyon. Paki-PM po ako. Maraming salamat,” ani Melai sa kanyang Instagram post.

“[Sana] matigil na ang mga pangha-harass na ito at para sa ‘yo na nasa picture na yan, papahanap kita kahit saan ka man, Tandaan mo yan.” dagdag niya pa.

Ilang netizen naman ang hindi nagustuhan ang naging aksyon ni Melai.

Ayon kasi sa ilan ay ang komedyante naman daw talaga ang nag umpisa ng gulo.

“You started it with your speech during the campaign rally. So how does it feel pag nasabihan ka ng magnanakaw, laki sa nakaw tapos alam mo sa sarili mong di totoo? Campaign kasi campaign lang. Nag iinstigate kayo ng hate kasi ayan tuloy hayst. But anyway, i do not condone this behavior kahit saan tingnan mali pa din.” sabi ni Irish Frank.

“Lesson learn Melai, be responsible with your actions and your words saying against people and being judgemental, everything there’s always consequences, now you sow what you reap. Peace be with you and praying for your whole family. Solid UNITEAM,” komento naman ni Aida Grewal.

“Yan melai bago ka magkaso kasuhan mo sarili mo kasi bintang ka ng bintang na magnanakaw ang marcos never kang tutulongan ng pinklawyer kasi uunahin sila ang kakasuhan,” ani Julia Fajardo.

Wala pang komento si Melai sa mga pambabatikos na natanggap niya sa social media.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular