Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesKit Thompson, balak na sanang pakasalan si Ana Jalandoni ngunit kasal ito...

Kit Thompson, balak na sanang pakasalan si Ana Jalandoni ngunit kasal ito sa iba

Happy na sana ang magiging ending ng relasyon sa pagitan ni Kit Thompson at Ana Jalandoni kung hindi ginawan ng masama ng aktor ang kanyang nobya dahil sa ‘selos’.

Sa showbiz update ni Ogie Diaz, ibinulgar niya na mayroon na palang asawa si Jalandoni na kinumpirma naman ng aktres sa press conference na isinagawa nitong Marso 28.

Sa Estados Unidos daw ikinasal ang dalawa ngunit nilinaw ng aktres na matagal an silang hiwalay at hindi nagsasama.
Alam naman daw ni Thompson na mayroong ex-husband ang kanyang kasalukuyang nobya.

“Sinabi ni Ana na siya ay may ex-husband siya at aware naman si Kit Thompson na mayroon siyang ex-husband.” ani Ogie.

Tingin ni Ogie ay may pagka-seloso ang aktor dahil lagi nitong sinisigurado kung sino ang kasama ng kanyang nobya.

“May naging bahagi ng buhay ni Ana Jalandoni na nangungulit sa kanya na parang ayaw ni Kit… Tapos siguro nagseselos [si Kit].” sabi ng talent manager.

Hindi naman malaman kung ito nga ba ang dating asawa ni Jalandoni.

Ayon naman sa isang report ay balak na daw talagang pakasalanan ni Thompson si Jalandoni.

“He’s planning to settle na with Ana, in fact ang dami na niyang plano lahat puro si Ana ang kuwento niya.  Looking forward na siya for that day.” ayon sa report ng Cebu Daily News.

Ngunit nakikita nila na imposible na magpakasal si Thompson kay Jalandoni dahil nga sa kasal pa rin ito sa papel.

Pinaniniwalaan din na kaya’t nangyari ang insidente sa Tagaytay Hotel ay dahil sa nagsuspetsa si Thompson na ang nakausap ni Jalandoni ang kanyang ex-husband.

Sa ngayon ay haharap sa patong patong na kaso si Thompson na handa naman daw patawarin ng aktres basta’t haharapin lang nito ang mga nagawa niya.

Inamin din ni Jalandoni na mahal niya parin ang aktor.

“Mahal ko pa rin po siya (Kit Thompson) pero ‘di ganoon kadali. Hindi ko deserve ‘yung nangyari sa akin. Ang nasa isip ko po ngayon, ipaglaban ang karapatan ko bilang isang babae.” sabi ni Jalandoni.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular