Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesBituin Escalante, may mensahe kay Elizabeth Oropesa: “Wala po ni isa samin...

Bituin Escalante, may mensahe kay Elizabeth Oropesa: “Wala po ni isa samin ang binayaran”

Nagbigay ng mensahe ang mang aawit na si Bituin Escalante sa award-winning actress na si Elizabeth Oropesa.

Matatandaan na sinabi ni Oropesa na hindi bayaran ang mga artista na sumusuporta kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang tumatanggap naman ng ‘TF’ o talent fee ang mga kilalang personalidad na nagpe-perform sa mga grand rallies ni Vice President Leni Robredo.

“Ipapaputol ko ‘yung dalawa kong paa. Gagapang na lang ako kung binabayaran kaming mga artista kay BBM.” ani Oropesa. “Natutuwa ako para dun mga artistang kinukuha nila (Robredo) kasi sigurado ako may TF. E sa atin walang TF.”

“Kusa at dumadating talaga ang mga artista na kahit hindi imbitahan, sila pa ang nagtatanong kung paano sumama,” dagdag niya pa.

Sa tweet naman ni Escalante ay sinabi niya na sana’y irespeto ni Oropesa ang katotohanan na hindi rin bayad ang mga artistang sumusuporta kay Robredo.

“Ma’am hindi ko po hihingin na putulin niyo ang dalawa niyong paa. Respeto lang po sa aming mga boluntaryong nagpe-perform para kay VP. Hindi po kami bayaran. Wala po ni isa samin ang binayaran.” ani Escalante.

Ngunit hindi maiwasan ni Escalante na ipagtanggol si Oropesa sa mga bumabatikos ngayon dito.

“In fairness to Elizabeth Oropesa, never siya magiging has been. Talent is talent.” sabi ng singer.

Wala pang tugon si Oropesa sa mensahe sa kanya ni Escalante.

Matatandaan na nangako noon ang isa sa mga kaalyado ni Robredo na si senatorial candidate Antonio Trillanes IV na ibabalik nila ang prangkisa ng ABS-CBN kapag sila ang nanalo.

READ MORE: Dating Senador Trillanes sinabing maibabalik ang ABS-CBN sa isang kondisyon

Ito ang tinitignang dahilan ng ilang netizen kaya’t maraming artista ang sumusuporta sa oposisyon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular