Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesAna Jalandoni, inamin na kasal na siya sa ibang lalaki bago makipagrelasyon...

Ana Jalandoni, inamin na kasal na siya sa ibang lalaki bago makipagrelasyon kay Kit Thompson

Sa unang pagkakataon ay nagpakita ang aktres na si Ana Jalandoni sa publiko matapos itong diumano’y saktan at ikulong ng kanyang dating nobyo na si Kit Thompson.

Sa press conference na ginanap nitong Marso 28 ay inanunsyo ni Jalandoni ang pagsasampa ng dalawa pang kaso laban kay Thompson.

Ayon kay Atty. Faye Singson, abogado ni Jalandoni ay magsasampa sila ng frustrated homicide at illegal detention laban kay Thompson na maaring maglagay sa kanya sa piitan ng ilang taon.

Handa naman daw patawarin ng aktres ang suspek basta’t haharapin nito ang parusa na naghihintay sa kanya.

Hinimok naman ni Jalandoni ang ex niya na ayusin ang kanyang sarili.

“Kit, fix yourself,” mensahe ng aktres.

Inamin din ni Jalandoni na kasal na siya sa ibang lalaki ngunit matagal na daw silang hiwalay.

Hindi naman pinangalanan ni Jalandoni sa media kung sino ang asawa niya.

Itinanggi din nito na may third party sa relasyon nila ni Thompson.

Hanggang ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Thompson upang ipaliwanag ang nangyari.

Ayon sa mga otoridad ay “selos” ang posibleng ugat ng pagtatalo ni Jalandoni at Thompson noong Marso 18.

Inamin din ito ni Jalandoni na nagseselos nga ang kanyang dating nobyo ngunit itinanggi niya na tama ang hinala nito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular