Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesOgie Diaz, ipinagtanggol ang mga artistang Leni-Kiko kay Elizabeth Oropesa: "Sige po,...

Ogie Diaz, ipinagtanggol ang mga artistang Leni-Kiko kay Elizabeth Oropesa: “Sige po, pakigalaw na po ang itak”

Ipinagtanggol ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz ang mga artistang sumusuporta sa kandidatura ni presidential candidate Vice President Leni Robredo mula sa mga akusasyon ng award-winning actress na si Elizabeth Oropesa.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Oropesa na handa niyang ipaputol ang dalawa niyang paa kung sakaling mapatunayan na binayaran siya ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suportahan siya.

Sinabi naman ng award-winning na aktres na may mga talent fee na natatanggap ang mga sumusuporta kay Robredo.

“Ipapaputol ko ‘yung dalawa kong paa. Gagapang na lang ako kung binabayaran kaming mga artista kay BBM.” ani Oropesa. “Natutuwa ako para dun mga artistang kinukuha nila (Robredo) kasi sigurado ako may TF. E sa atin walang TF.” 

“Kusa at dumadating talaga ang mga artista na kahit hindi imbitahan, sila pa ang nagtatanong kung paano sumama,” dagdag niya pa.

Sa kanyang social media post naman ay sinabi ni Diaz na wala rin naman natatanggap na bayad ang mga artista na sumusuporta kay Robredo.

“Sabi ni Elizabeth Oropesa, ipapaputol niya ang dalawa niyang paa kung di siya nagsasabi ng totoo na bayad ang mga performers sa Leni-Kiko rally. Ako, papaputol ko ang notes ko kung totoong ipapaputol niya ang mga paa niya.” sabi ni Diaz.

Hinamon din nito si Oropesa na patunayan ang akusasyon niya.

“Sige po, pakigalaw na po ang itak. Pero since kayo yung accuser, patunayan nyo. Aware naman kayo na uso ang resibo ngayon, maglabas kayo ng ebidensiya. Elizabeth Oropesa ka, hindi ka si Marites.” sabi pa ng talent manager.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Oropesa sa mga banat sa kanya ni Diaz.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular