Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesJulia Parizcova nakaipon ng P300,000 na pambayad sa kanyang utang sa tulong...

Julia Parizcova nakaipon ng P300,000 na pambayad sa kanyang utang sa tulong ng BBM-Sara supporters

Todo ang pasasalamat ngayon ni Miss Q & A champion na si Julia Parizcova matapos nitong mabayaran ang kanyang utang na nagkakahalaga ng P300,000 dahil sa tulong mula sa mga tagasuporta ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte.

Matatandaan na noong nakaraang Linggo ay nabulabog ang komedyante dahil sa ibinunyag ng ilang kritiko niya ang utang niya at pati narin ang personal na impormasyon ng kanyang ina.

Naniniwala ang mag netizen na may kinalaman sa pagsuporta ni Julia sa tambalang BBM-Sara ang naging dahilan para siya ay siraan ng mga kritiko niya.

“Hindi ko po ikinahihiya na simula noong pandemic, ang akin pong pamilya ay nabaon sa utang dahil sa kawalan ng pinagkukuhanan ng panggastos bunga ng kawalan ng trabaho; kasabay po nito ay hindi ko rin masingil ang mga taong nagkakautang din sa akin dahil pare-parehas po tayo ng pinagdadaanan,Ikinahihiya ko po ba ang yugto ng buhay kong ito? Hindi po.” saad ng komedyante.

“Alam kong halos lahat, kundi man lahat ay tunay na pinadapa ng pandemya. Ikinararangal ko pong hindi ang pagsama ko sa Uniteam ang dahilan kaya ako nakapagbayad sa iilan, hindi ko rin idedeny at alam ito ng Viva, na ang sweldo ko po sa mga pelikula ay derechong nakabawas sa lahat ng mga ito.” dagdag niya pa.

Screencap mula sa Facebook post ni Juliana Parizcova Segovia

Dahil dito ay nag umpisa ng isang fundraising ang mga tagasuporta ng BBM-Sara sa pangunguna ni Krizette Laureta Chu.

Matapos lang ng ilang oras ay umabot na kagad ng P250,000 ang natanggap ni Julia mula sa mga netizens.

Sa ngayon ay bayad na ang mga utang ni Julia.

“Umaapaw ang puso ko ng pasasalamat at pagmamahal mula sa mga supporters ng #Uniteam after that viral post (300k debt issue) ang dami nahingi ng gcash number ko para mag ambagan,.salamat po Ms.Krizette Laureta Chu.” ani Julia.

Nakilala si Julia sa kanyang mga video na likha ni Direk Darryl Yap.

Isa na dito ay ang spoof niya ng video ni Angelica Panganiban kung saan ay pinapaalalahanan ng aktres ang mga netizen na huwag magpaloko sa mga kandidato.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular