Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesArnell Ignacio, na-real talk si Kris Aquino: "May sakit ka nga lalabas...

Arnell Ignacio, na-real talk si Kris Aquino: “May sakit ka nga lalabas pa sa bibig mo masama”

Hindi nakapagpigil si dating deputy executive director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio na magbigay ng mensahe para kay Queen of all Media Kris Aquino.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang mga naging pahayag ni Aquino sa biglaan niyang pagpunta sa grand rally ni Vice President Leni Robredo sa Tarlac City.

Sa kanyang video, napatanong si Ignacio kung darating nga ba ang panahon na puro kabutihan na ang gagawin ni Aquino ngayong siya’y nahaharap na sa problema sa kalusugan.

Sinabi din nito na tila hindi nakikinig si Aquino sa mga payo sa kanya.

“May sakit ka na nga, hirap ka na nga magsalita [tapos] lalabas pa sa bibig mo masama,” ani Ignacio. “Kris, kailan ba naman darating ‘yung panahon na ang iisipin mo lang, simpleng maging mabuti, mabait na tao na hindi kailangan panoorin ng buong mundo at umeksena ng umeksena,”

Ayon kay Ignacio ay gustong gusto niya sanang makausap si Aquino upang mabigyan ito ng magandang mensahe ngunit nag-alangan muli siyang gawin ito ng biglaang pumunta ang television host sa grand rally ni Robredo.

“Makikita kang ‘yung ganyan, sisingit ka isang rally, kukunin mo ‘yung pagkahaba-habang oras, nakikita naman sa likod mo na hindi sila mukhang natutuwa, kailan ka ba namin mapapanood na puro kabutihan lang,” sabi ni Ignacio.

“Hindi ‘yung puro nalang tungkol sa ex mo, hindi ‘yung tungkol sa paniningil ng utang na loob na pinaparingan mo pa nga ‘yung isang Mayor diyan. Iilan na nga lang ‘yung nagawa mong kabutihan diyan sa parte na ‘yan, maniningil ka pa,” dagdag niya pa.

Ikinalulungkot ni Ignacio na makita ang nangyayari kay Ignacio at hindi niya naman magawang magalit.

Matatandaan na pinagusapan sa social media ang mga pahayag ni Aquino laban sa isang ex niya na dapat ay wag diumanong iboto dahil hindi natupad sa pangako.

READ MORE: Kris Aquino hiniling na wag iboto ang ex at UniTeam candidate Herbert Bautista: “Di marunong tumupad”

Binatikos din nito ang isang opisyal sa Tarlac City na wala diumanong utang na loob.

READ MORE: Anak ng Tarlac City Mayor, binatikos si Kris Aquino matapos silang tawaging “walang utang na loob”

Sa ngayon ay wala pang tugon si Aquino sa mga sinabi ni Ignacio.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular