Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaBeteranong mamamahayag sinabing pinopondohan ng US at EU ang kampanya ng tambalang...

Beteranong mamamahayag sinabing pinopondohan ng US at EU ang kampanya ng tambalang Leni-Kiko

Isang beteranong mamamahayag ang ibinunyag ang diumano’y pagbibigay ng pondo ng mga banyagang bansa para sa kampanya ng tambalan nila presidential candidate Vice President Leni Robredo at vice presidential bet Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Philip Lustre Jr. na nakatanggap daw ng pondo ang tambalang Leni-Kiko mula sa U.S at sa iba pang lugar sa Europa.

“FUNDING support by U.S. and Europe-based pro-democracy entities are pouring to buoy Leni-Kiko candidacy. They include institutions & individuals, who believe in the Leni-Kiko tandem to strengthen democracy in the Phl. BBM is not getting the funds from China. Too mediocre & timid.” ani Lustre.

Matatandaan na mahigpit na ipinagbabawal sa Omnibus Election Code (OEC) ang pagtanggap ng mga kandidato ng pera mula sa mga banyaga.

Duda naman si Lustre kung napapatupad ng Commission on Elections (COMELEC) ang nasabing batas.

“WHEN it comes to inflows of foreign & local funds to certain presidential bets, it happens but nobody says or admits it. Our election laws disallow clearly illegal campaign contributions. But who’ll enforce the law? Comelec is capable of institutional cheating. Stay vigilant.” sabi pa Lustre.

Matapos mag viral ang tweet niya sa social media ay hindi naman iniisip ni Lustre na magiging ebidensya para sa disqualification ng tambalang Leni-Kiko sa eleksyon ang tweet niya.

“NOBODY can file a disqualification case against a candidate on the basis of the maximum allowable 280 tweet. BBM supporters think so; they believe the world is flat. They think BBM has plenty of funds coming from contributors when they are not sure of his winnability. Nah,” paliwanag ni Lustre.

Wala pang pahayag ang tambalang Leni-Kiko kung totoo nga bang tumanggap sila ng campaign funds.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular