Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesAnak ng Tarlac City Mayor, binatikos si Kris Aquino matapos silang tawaging...

Anak ng Tarlac City Mayor, binatikos si Kris Aquino matapos silang tawaging “walang utang na loob”

Binatikos ng anak ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles na si Anvi ang Queen of all Media na si Kris Aquino dahil sa mga diumano’y sinabi ng kilalang television host laban sa kanila sa ginanap na grand rally ni presidential candidate Leni Robredo sa nasabing probinsya.

Matatandaan na nitong Marso 23, binatikos ni Aquino ang isa diumanong pamilya na ‘walang utang na loob’ sa rally na ginanap sa Tarlac City.

“Hindi niyo kami pinabayaan, well at least kayo, except for your – you know who.” ani Aquino “Sorry sinabihan akong ‘wag makipag-away, pero nabubwisit po talaga ako. I’m sorry na hindi ako ‘yung mabait na Aquino. Ako lang po ang ganito sa pamilya na sasabihin ang totoo.”

“Dahil nakakabwisit talaga ‘yung walang utang na loob. Pero dedma na. Dedma na doon. Let’s focus sa importante,” dagdag niya pa.

Pinalagan naman ng nakakabatang Angeles ang sinabi ni Aquino sa harap ng mga taga Tarlac.

Ayon sa kanya ay hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng tv host na walang utang na loob ang pamilya Angeles dahil sa hindi naman daw sila nagkulang ng pagsuporta sa mga Aquino.

Sila pa daw ang nilalapitan ng pamilya Aquino noon at hindi naman nila tinanggihan ang mga ito.

“Ms. @krisaquino , we would like to know kung ano po ang “utang na loob” ng family namin na binabanggit niyo?” tanong ni Angeles.

“Since the beginning, we had high respects for your family. Sa amin pong pagkaka-alam, never did we ask for any help or favor from your family. Ilang beses po humingi ng tulong si Ma’am Cory sa family namin since PNoy ran for Congress and Senate. And when he ran for president, my mom was tasked to be the provincial convenor under the People Power Volunteers for Reform here in the province of Tarlac. Wala po kaming hiningi ng kahit anong tulong o pabor (pinansyal man o trabaho) na kapalit sa pamilya ninyo. Ito po ay sa kadahilanang mataas ang aming respeto sa inyong ina. I was a silent witness to the sacrifices, kapaguran at malasakit ng parents po namin sa family niyo po. 

“But for you to maliciously accuse my mom in public of “walang utang na loob”, I cannot let your lies & intrigues malign my mom just for the political mileage of your candidate. We owe it to Boss Danding and Cong. Henry Cojuangco when they encouraged my mom to run for Board Member and then city mayor under the NPC. Apparently, hindi po niyo alam ang nangyayare dito sa Tarlac City. 

“For me, this is not the style of a Grand Rally Campaign for a presidential candidate that a national figure like you to be personally attacking a small city mayor like my mom. Kahit ganito Lang po kami kaliit na tao, marami pa rin naman po ang naniniwala, nagtitiwala, at rumerespeto sa aking ina lalo na po sakanyang karakter at kakayahan. Siguro po naturuan din kayo ng tamang pag-uugali ng magulang po ninyo. We hope and pray that whatever hatred, anger, and jealousy inside your heart and mind will be replaced with kindness, love, and patience. Praying for God’s enlightenment.

Matatandaan na sinusuportahan ngayon ni Mayor Angeles ang kandidatura ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Wala pang tugon si Aquino sa banat sa kanya ni Angeles.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular