Friday, September 30, 2022
HomePoliticsPantaleon Alvarez inamin na humingi nga sila ng P800-M kay Ping Lacson:...

Pantaleon Alvarez inamin na humingi nga sila ng P800-M kay Ping Lacson: “Para sa poll watchers”

Inamin ni Partido Reporma President at dating House Speaker Pantaleon Alvares na humingi nga ang kampo nila ng P800-M mula kay presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Alvarez na humingi sila ng daan daang milyong kay Lacson upang magastos sana nila para sa mga ‘poll watchers’ na magbabantay sa mga polling precincts sa buong bansa.

“During election day, you need two watchers, one for the morning, the other for the afternoon/evening, per precinct. Multiply 389,703 by 2, you need 779,406 watchers. For their allowance, reimbursements of their costs, such as training, food, transportation, etc., it’s safe to estimate that per poll watcher will cost Php 1,000.00, conservatively.” ani Alvarez.

“Given these considerations, the budget, at the minimum, on election day itself, should be approximately Php 779,406,000.00 for a credible national campaign. But be mindful, this is based on 2019 data. 2022 will have more polling precincts. And poll watchers are merely one of many items on a campaign budget.” dagdag niya pa.

Ayon sa dating house speaker ay lahat daw ng kandidato ay mahaharap sa ganitong gastusin maliban na lamang sa mga nangungunang kandidato.

Ipinaliwanag din ni Alvarez na mas pinili niya na ngayong suportahan si Vice President Leni Robredo dahil sa ang ikalawa sa mga survey at may tsansa na manalo sa halalan.

“Leni Robredo’s chances at winning, while she is second in the surveys, that ranking is still admittedly a distant second. Yes, as of date, it is a longshot. But in contrast to the other candidates, her longshot is better than longer shot.” sabi ni Alvarez.

“The second criteria discussed was that the candidate to be supported must also be aligned with the core principles of Partido Reporma, which is government reform to improve the lives of Filipinos. VP Leni Robredo’s advocacy fits the bill since she is a champion of government reform and local development.” dagdag pa niya.

Matatandaan na ibinulgar ni Lacson ang nasabing paghingi ng P800-M ni Alvarez dahil sa iba daw ang sinasabing dahilan ng dating house speaker kung bakit si Robredo na lamang ang sinusuportahan nila.

“Time to call a spade a spade. It was actually more about the issue of campaign expenses for their local candidates. His chief of staff was asking for 800 million pesos in additional funding which I honestly told him I cannot produce,” ani Lacson.

READ MORE: Lacson, ibinulgar na hiningan siya ng kampo ni Alvarez ng P800-M na hindi niya naibigay bago ito lumipat kay VP Leni

Itinanggi naman ng kampo ni Robredo na nagbigay sila ng P800-M kay Alvarez.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular