Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesManny Pacquiao pinuna ng ‘2-joints’ ni Isko Moreno: “Kailangang sawayin kasi pang-adik...

Manny Pacquiao pinuna ng ‘2-joints’ ni Isko Moreno: “Kailangang sawayin kasi pang-adik ‘yan”

Pinuna ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao ang katunggali niya sa si Manila City Mayor dahil sa ginagamit nitong ‘2-joints’ sign sa kampanya ngayon.

Sa panayam sa kanya ng media sinabi ni Pacquiao na hindi niya alam kung saan nanggaling ang ginagamit ngayong hand sign ni Moreno sa kampanya.

Ayon daw sa senador ay hindi magandang sign ang ‘2-joints’ dahil sumisimbolo ito sa diumano’y paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yang sign na ‘yan. Kaya nga ang sabi ko sa mga tao mag-ingat kayo sa mga anak ninyo, mag-ingat kayo sa social media, maraming fake news, may mga nasasabi na hindi tama. Hindi ko alam kung saan galing ‘yan eh pero ang sa akin lang, dumaan din ako na tambay-tambay at nakita ko yang sign-sign nila na ‘yan ay hindi maganda ‘yan,” ani Pacquiao.

“Kailangang sawayin kasi pang-addict ‘yan eh. Kaya nga ako nagwa-warning sa mga magulang na mag-ingat sa mga nakikita ng mga anak sa social media,” dagdag niya pa.

Hindi naman daw sigurado si Pacquiao kung ginagamit nga ba ni Moreno ang nasabing hand sign.

“Ang ginagamit ni Isko ganu’n eh (1 sign). Tingin ko hindi naman ‘yan kay Isko. Basta masama ‘yan, maniwala kayo sa akin, dumaan ako ng tambay, sinasabi ko masama ‘yan. Huwag nating imulat sa mga bata… mga bata, kalimutan ninyo ‘yung ganiyang sign. Kapag nakita ng mga foreigners, ng ibang bansa, ‘Mga adik ba itong mga batang ito?’” sabi pa ng pambansang kamao na inamin noon na gumanit ng ipinagbabawal na gamot.

Tugon naman ni Moreno, ipinapakita niya lamang na kaya niya ring maintindihan ang mga pangkaraniwang tao.

“It doesn’t mean anything. It’s just that – sa akin lang ‘no – di ba kapag maggo-gobyerno ka, kailangan nauunawaan mo ang tao. Kapag naggo-gobyerno ka kailangan nakakarelate ka. Tapos pag naggo-gobyerno ka, ‘yung nakakatugon ka sa kakailanganin ng tao,” paliwanag ni Moreno.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular