Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsLacson, ibinulgar na hiningan siya ng kampo ni Alvarez ng P800-M na...

Lacson, ibinulgar na hiningan siya ng kampo ni Alvarez ng P800-M na hindi niya naibigay bago ito lumipat kay VP Leni

Hindi naniniwala si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang mababang survey ratings niya ang naging dahilan kung bakit lumipat ng suporta si Partido Reporma President at dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Matatandaan na tumatakbo na lamang ngayon bilang Independent si Lacson matapos lumipat si Alvarez ng suporta kay Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang pahayag, ibinulgar ni Lacson na hindi niya naibigay ang hinihingi ng kampo ni Alvarez na daan daang milyong piso bilang pondo nila sana sa kampanya.

“Time to call a spade a spade. It was actually more about the issue of campaign expenses for their local candidates. His chief of staff was asking for 800 million pesos in additional funding which I honestly told him I cannot produce,” ani Lacson.

Binalaan din ni Lacson si Alvarez na wag ng magsalita pa tungkol sa paglipat niya ng suporta.

“It is better that he both stop talking about this but if he insists to explain his action, I’ll be prompted to respond to correct his statements,” sabi pa ni Lacson.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Alvarez ay si Robredo na lamang ang may pag asa na makasabay sa nangunguna ngayong kandidato na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“With time still left, but admittedly not a lot of it, decisive action is necessary. We must respond to the demands of patriotism requiring us to set aside personal preferences, the end goal being collective victory for  good governance, a better future for Filipinos, and a strong and progressive nation,” ani Alvarez.

“We need a leader. And for the 2022 Presidential elections, given all these considerations and the crisis we have to overcome, that leader is a woman.  Her name is Leni Robredo,” dagdag pa niya.

Humingi rin ito ng tawad sa mga nasabi niya noon kay Robredo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular