Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedGretchen Barretto inakusahan si Sen. Bato ng pagiging ‘sabungero’: “Truth will come...

Gretchen Barretto inakusahan si Sen. Bato ng pagiging ‘sabungero’: “Truth will come out!”

May bagong akusasyon ang dating aktres at negosyante na si Gretchen Barretto laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Matatandaan na iniimbistigahan ngayon ni Sen. dela Rosa ang mga nangyayaring krimen sa gitna ng kasikatan ng online sabong sa Pilipinas.

Isa sa mga kinukwestiyon ni dela Rosa ay ang nangungunang e-sabong firm na pagmamay-ari Charlie “Atong” Ang na kasosyo si Barretto.

Dahil dito ay ilang beses binatikos ni Barretto ang senador at kinuwestiyon pa kung paano nito nakakayang bumili ng mamahaling relo.

READ MORE: Gretchen Barretto, duda kung paano nakuha ni Sen. Bato ang kanyang relos: “Saan kaya nanggaling yan?

Sa bagong akusasyon ni Gretchen ay sinabi niya na ‘tumatalpak’ din ang senador o naglalaro ng sabong.

“Tumatalkpak kasi ‘tong si Bato na ‘to e. Bato, ilabas natin ‘yung mga talpak mo kaya? Alam ko may balance to sayo, Kate, no?…The truth will come out, Bato, soon.” ani Gretchen.

Sinabi rin nito na pang “gameshow” lamang ang senador na graduate ng Philippine Military Academy, may Ph.D at nagsilbi bilang pulis sa loob ng mahigit tatlong dekada.

Hindi naman pinapansin ni dela Rosa si Barretto na nakikinabang din sa negosyo ni Ang.

Matatandaan na inamin ni Ang na kumikita ang e-sabong firm nila ng mahigit P60-B kada buwan habang 100 hanggang 200 milyong piso ang nakukuha ni Ang na parte niya kada araw.

Dahil dito ay hindi napigilan ng ilang senador na kwestiyunin kung bakit maliit lamang ang natatanggap ng gobyerno mula sa nasabing sugal.

“E kung P3 billion ang kinikita ng Lucky 8, baka po payat ang P600 million to P640 million na sinasabi ng Pagcor na kanilang income dito sa e-sabong,” tanong ni Sen. Franklin Drilon.

Hindi naman malaman kung magkano ang kinikita ni Barretto bilang kasosyo ni Ang sa online sabong.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular