Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesSharon Cuneta humingi nag public apology matapos ang post niya laban kay...

Sharon Cuneta humingi nag public apology matapos ang post niya laban kay Sal Panelo: “Never ko ipinagdamot ang awit ko kahit kanino.”

Nagbigay ng public apology si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang mga nakaraang post laban kay senatorial candidate Salvador “Sal” Panelo.

Matatandaan na binatikos ni Sharon noon si Panelo dahil kinanta ng kandidato ang awitin niyang “Sana’y Wala Nang Wakas” at tinawag itong nakakahiya.

Ngunit nilinaw ni Panelo na kinakanta niya na ito noon pa upang alalahanin ang kanyang namayapang anak na mayroong Down Syndrome.

Sa kanyang latest post, humingi siya ng tawad sa mga fans niya na nadismaya sa kanyang inasal.

Hindi naman niya binanggit si Panelo sa kanyang post kaya’t hindi ito maituturing na paghingi ng tawad sa abogado.

“So though I stand by my feelings and thoughts on the matter, I would like to apologize for the words I used in my post, and to those I have hurt by them. I should have just said exactly how I was feeling, and in a more respectful manner – no matter what,” ani Sharon.

“I am also so sorry, my Sharmy/Sharonians. I disappointed you,” dagdag niya pa.

Ipinaliwanag niya naman na hindi niya ugali na magpakaplastik, ngunit inamin niya na hindi maganda ang naging mensahe niya.

Para daw kasing minaliit ang kanyang asawa na si vice presidential candidate Kiko Pangilinan noong narinig niya ang pagkanta ni Panelo.

“Truth is, I felt slighted. Sa akin, parang minamaliit si Kiko at ang pagtakbo niya ng VP. Dahil sa dinami-dami ng kanta, bakit naman kanta ko pa ang napili? Dahil kaya Goliath ang VP candidate niya sa David kong asawa? Nasaktan ako. Ang pagkakamali ko lang, sana yun mismo ang pinost ko. Pero dinaan ko sa biro at sarcasm, kaya madaming di nakaunawa,” paliwanag ng megastar.

Itinanggi niya naman ang mga akusasyon na ipinagdadamot niya ang kanta niya.

“Never ko ipinagdamot ang awit ko kahit kanino. In fact, I feel honored whenever someone chooses it to sing. Siempre, mas madaming may gusto sa kanta mo, mas maligaya ka,” aniya.

Nilinaw din ni Sharon na hindi niya alam na kinakanta ni Panelo ang awitin niya para sa anak niyang may special needs.

“Natutuwa ako na kanta ko pa pala ang magiging paraan para maisip niyang gawin yon,” sabi pa ni Sharon.

Ibinunyag niya din na noon pa lamang 1993 ay tumutulong na siya sa mga children with special needs at pinili siyang Honorary Chairperson ng Chosen Children Village Foundation dahil sa adbokasiya niya na kapareho kay Panelo.

“That was where I started and I moved on to other organizations – and individuals – both with special needs and not. At di ko ginawa lahat yon dahil tumatakbo ako for public office. Ganon lang ako talaga pinalaki ng Daddy at Mommy ko,”

Sa nangyari naman na kontrobersiya sa kanya ay nalaman niya kung sino ang mga totoong kaibigan niya sa showbusiness.

Wala pang tugon si Panelo sa post ni Cuneta.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular