Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesPinatulan si Kris? Nobya ni Herbert Bautista na si Ruffa Gutierrez may...

Pinatulan si Kris? Nobya ni Herbert Bautista na si Ruffa Gutierrez may mensahe

Naging usap-usapan sa social media ang naging mensahe ni Queen of all Media Kris Aquino tungkol sa kanyang ex na si senatorial candidate Herbert Bautista.

Sa grand rally ni Vice President Leni Robredo sa Tarlac ay hinimok ni Kris ang mga botante na wag ng iboto ang kanyang ex na hindi niya pinangalanan na tumatakbo ngayon sa ilalim ng UniTeam.

“Gel, pinapatamaan mo yata ako diyan. Aray… Sinabi mo ‘yung may karelasyon. ‘D ba ‘yung isa nasa Uniteam?! ‘Yung Ex?. Oh huwag niyong iboto ‘yun ha.” ani Kris.

“Sayang ang boto dahil hindi marunong tumupad sa mga ipinangako. Deadma please.” dagdag niya pa.

Si Herbert lamang ang tumatakbo niyang ex sa ilalim ng UniTeam.

Matapos ang pahayag ni Kris ay nag tweet ang kasalukuyang karelasyon ni Herbert na si Ruffa Gutierrez.

Maiksi pero pinag usapan kagad ang mensahe ni Ruffa na tila patama kay Kris na madalas magkaroon ng alitan sa kanyang mga dating karelasyon.

“Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex.” ani Ruffa.

Ilang netizens naman ang di naiwasan mapa-comment sa tweet ni Ruffa.

“Very true..spread love and kindness wag puro hatred, hindi nakakatulong sa health pag marami sama ng loob at puro negativity,” sabi ni netizen @hersley3126

“She’s got many EX, there’s Alvin P, Robin P, James Y hahaha and Sir HB. They are all in RED not in Pink hahahaha,” ani @iammethzro

Wala pang tugon ngayon si Kris sa banat sa kanya ni Ruffa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular