Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesKris Aquino hiniling na wag iboto ang ex at UniTeam candidate Herbert...

Kris Aquino hiniling na wag iboto ang ex at UniTeam candidate Herbert Bautista: “Di marunong tumupad”

Hiniling ng Queen of all Media na si Kris Aquino sa mga tagasuporta ni presidential candidate Vice President Leni Robredo na wag iboto ang isang kandidato na malapit noon sa kanya na nasa ilalim ngayon ng UniTeam.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng mga Kakampink na ginawa nitong Marso 23 sa Capas, Tarlac ay binanggit ni Kris ang kanyang ‘ex’ diumano na tumatakbo ngayon sa UniTeam.

Ito’y matapos banggitin ng isa pa sa mga guest ng rally na si Angel Locsin ang mga katagang “kapag hahanap ka ng kaibigan, karelasyon, kailangan laging nandyan para sa iyo, hindi tuwing eleksyon lang.”

“Gel, pinapatamaan mo yata ako diyan. Aray… Sinabi mo ‘yung may karelasyon. ‘D ba ‘yung isa nasa Uniteam?! ‘Yung Ex?. Oh huwag niyong iboto ‘yun ha.” ani Kris.

“Sayang ang boto dahil hindi marunong tumupad sa mga ipinangako. Deadma please.” dagdag niya pa.

Kaalyado ngayon si Bautista ng tambalang Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte.

Wala pang pahayag si Herbert tungkol sa ginawang pagbanat sa kanya ni Kris.

Mayroon ng bagong karelasyon ngayon si Herbert at ‘yun ay si Ruffa Gutierrez.

Matatandaan na ang huling isyu sa pagitan ni Herbert at Kris ay noong tawagin ng senatorial candidate na ‘TOTGA’ o the one that got away ang Queen of all Media.

Noong nangyari ang isyu ay engaged na si Kris sa dating DILG Secretary Mel Sarmiento na ngayon ay nakipaghiwalay narin sa kilalang television host.

Humingi naman ng tawad si Herbert kay Kris at hiniling na sana’y alagaan siya ni Sarmiento.

“Aminado ako, I know I have not been good enough.┬áStill regretting the chance I didn’t take. You deserve better.” ani Herbert.

 

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular