Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesJaclyn Jose, nagpahayag ng suporta sa BBM-Sara: "Not anyone can dictate our...

Jaclyn Jose, nagpahayag ng suporta sa BBM-Sara: “Not anyone can dictate our Future President”

Sa unang pagkakataon ay ibinahagi ng award-winning actress na si Jaclyn Jose ang kanyang pagsuporta sa tabalan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Jaclyn ang quote mula diumano sa propeta na si Nostradamus tungkol sa isa diumanong ‘leader’ na mamumuna sa ‘Pearl of the Orient Islands” sa  Asya.

Nagbigay pa ng clue ang propeta sa diumano’y hula niya at ang pangalan daw ng leader na ito ay mayroong walong letra ang pangalan at nag uumpisa sa letrang ‘B’.

“This man shall change the course of history of the whole world and every man shall shout his name like the sound of a big bell.” ayon sa quote na ibinahagi ng aktres.

Sinabi rin ng aktres na hinihintay niya rin ang magiging pasya ng Iglesia ni Kristo kung sino ang susuportahan nila.

“Ang sumusorta kay Bbm tahimik .ang bell na lang ang mag sasalita, we don’t have to.let the faith will comewe do not to go on the stage.faith.let us trust in God for he know what is best.not Nostradamus or any one can dictate our future President i am an Iglesia ni Kristo .i can fight la pa announcrment.. pls stop judging .antay lang ako announcement….pero kung sino dadalin namin maluwag sa puso ko….antayin ko na lang,” sabi niya.

Ngunit sa ilang post niya sa social media ay tila talagang desidido na si Jaclyn kung sino ang susuportahan niya sa pagkapangulo.

Ilan sa mga post niya sa Instagram ay mga larawan ni Marcos at Duterte.

Samantala ay napag-alaman na hindi totoo na mayroong hula si Nostradamus tungkol sa Pilipinas.

Ito’y dahil sa hindi pa naiimbento ang salitang ‘Pearl of the Orient’ noong panahon na isinulat ni Nostradamus ang kanyang libro noong 1555.

Tinawag lamang na ‘Pearl of the Orient’ ang Pilipinas sa libro ni Fr. Juan J del Gado na isinulat noong 1751.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular