Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesGretchen Barretto, duda kung paano nakuha ni Sen. Bato ang kanyang relos:...

Gretchen Barretto, duda kung paano nakuha ni Sen. Bato ang kanyang relos: “Saan kaya nanggaling yan?”

Hinamak ng dating aktres na si Gretchen Barretto si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na nangunguna ngayon sa imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero at iba pang isyu tungkol sa E-Sabong.

Sa kanyang Instagram story, makikita si Barretto habang pinapanood ang livestreaming ng senado at maririnig ang kanyang pagbibigay ng komento habang pinapanood ang pagkwestiyon ni Dela Rosa sa kanyang

“Get down to business Bato. Stop grandstanding. Just get down to the investigation,”  ani Gretchen na kilalang partner ng bilyonaryo na si Tonyboy Cojuangco. “Ang mahal ng relo ni Bato. Saan kaya nanggaling ‘yan? “My God! A Senator has that watch, Oh my gosh!” 

Binatikos din nito ang paraan ng pagtatanong ni Bato na nagsilbi sa bayan bilang pulis ng mahigit tatlong dekada at isang graduate ng Philippine Military Academy.

Ayon daw kasi kay Barretto ay dapat abogado ang mga nasa senado.

“Tignan mo ‘yung line of questioning niya kailangan talaga lawyer ‘yung mga nakaupo [sa senado] people vote wisely!” sabi pa ni Barretto.

Maliban sa pagiging graduate ng PMA, tapos din ng Master of Public Administration si Dela Rosa ay mayroon din itong Ph.D sa Development Administration.

Noon pa man ay madalas na talagang pinapansin ng mga netizens ang mga soot na relo at pantalon ni Dela Rosa.

Ngunit paglilinaw ni Dela Rosa ay minsan ay napagkakamalan lamang mamahalin ang kanyang relo katulad na lamang ng diumano’y soot soot niyang P25-M na watch na ang halaga lang pala ay P7,000.

Hindi naman pinansin ni Dela Rosa ang komento sa kanya ni Barretto.

Matatandaan na isa sa mga iniimbistagahan ni Dela Rosa sa Senado ay ang negosyante na si Charlie “Atong” Ang na kilalang malapit kay Barretto at magkasosyo din sila sa E-Sabong business.

Makikita rin minsan si Barretto na naglalaro ng sabong kasama si Ang.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular