Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaBabae na nagti-TikTok gamit ang damit ng sundalo, haharap sa patong patong...

Babae na nagti-TikTok gamit ang damit ng sundalo, haharap sa patong patong na kaso

Haharap sa patong patong na kaso ang isang babaeng TikToker matapos itong sumayaw sa isa sa kanyang mga video soot soot ang damit ng sundalo.

Ang nasabing suspek ay nakilala sa TikTok bilang @shishisummer_03 o Shynee Redondo na makikitang nakasoot ng full combat uniform habang gumigiling sa isang awitin.

Agad namang pinuna ng ilang sundalo at mga netizens ang ginawang ito ni Redondo dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagsosoot ng uniporme ng sundalo para sa mga sibilyan.

Makikita ang mga patches kasama na ang 10th ID sa uniporme kaya’t nalaman kagad ng mga netizen na may nilabag si Redondo na batas.

“Everyone should know that civilian are not allowed to wear a camouflage, it is prohibited, even don’t have a name tag of Army or Police indicated on it. If you are civilian you are not allowed to wear… Pawis, dugo at buhay po kapalit bago yan masoot. Kaya give respect to the uniform itself or camouflage. Just saying,” sabi ni netizen Jessie Teleron.

“Naka uniform sya .. parang d sya sundalo kasi na blond. Bawal po iyan wh. My Law Yan,” komento naman ni Karen May.

Kinumpirma din ng AFP na sasampahan nila ng reklamo si Redondo habang iimbestigahan naman ang sundalong nagpahiram sa suspek ng uniporme niya.

Ayon sa ilang ulat ay matagal ng sinabihan si Redondo ng mga followers niya na asawa at anak ng mga sundalo na tanggalin ang mga video at photos niya upang maiwasan ang posibleng ikaso sa kanya.

Ngunit hindi diumano nakinig ang suspek at inaway pa ang mga bumabatikos sa kanyang ginawa.

Ngayon naman ay nag-post ng update si Redondo at sinabi na pinag-iisipan niya na maglabas ng public apology.

Pinagbabawalan ng Republic Act 493 ang mga sibilyan na magsoot ng mga uniporme ng sundalo, kapulisan at iba pang uniformed personnel.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular