Monday, October 3, 2022
HomePoliticsTuloy na tuloy na? Pangulong Rodrigo Duterte at Bongbong Marcos nagkita sa...

Tuloy na tuloy na? Pangulong Rodrigo Duterte at Bongbong Marcos nagkita sa Malacañang

Kumakalat sa social media ngayon ang isang larawan kung saan makikita si Pangulong Rodrigo Duterte na kasama si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa nasabing larawan ay makikita ang Pangulo at ang nangunguna ngayon sa mga survey na si Marcos sa loob ng Malacañang.

Ibinahagi ni netizen @iamjethol ang nasabing larawan na tinawag na ‘edited’ ng ilang mga nasa Twitter at sinabi na isa nanamang paraan para lituhin ang publiko sa kung sino ba talaga ang sinusuportahan ni Pangulong Duterte.

Isa sa mga kumuwestiyon sa larawan ay si netizen @LakasNgTimog kung saan ay sinabi na edited ang nasabing larawan.

“This photo is obviously edited. However, that does not change the fact that Inday Sara herself confirmed that the two gentlemen met face to face prior to PDP’s endorsement.” sabi ng netizen.

Matatandaan na ibinunyag ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte na nagkita na ang kanyang ama na si Marcos bago pa man i-anunsyo ng PDP-Laban ang kanilang pagsuporta sa nasabing kandidato.

READ MORE: Game over na? Partido ni Pangulong Duterte na PDP-Laban opisyal ng inendorso si BBM bilang kanilang kandidato

Ngunit ayon kay Sandro Marcos ay hindi daw edited ang nasabing larawan.

Hindi naman daw masisi ni Marcos ang ilang netizen dahil mukha naman talagang edited ang nasabing larawan.

Sa ngayon ay wala paring opisyal na pahayag si Pangulong Duterte kung si Marcos na nga ba ang susuportahan niyang kandidato.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular