Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaNetizens pinagusapan ang reaksyon ni BBM matapos makita ang pumunta sa rally...

Netizens pinagusapan ang reaksyon ni BBM matapos makita ang pumunta sa rally niya sa Cavite

Naging usap usapan ngayon sa social media ang tila pagkagulat ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos niyang makita ang suporta ng mga Caviteño sa kanya.

Sa isang video, makikita ang reaksyon ni Marcos habang papunta ito sa harapan ng stage sa kanyang campaign rally na ginawa sa General Trias City Sports Complex kahapon ng Marso 22.

Halata ang tila pagkabigla ng kandidato sa kanyang nakitang suporta sa kanya ng mga taga Cavite dahil napahawak pa ito sa kanyang ulo at natulala.

Umabot sa mahigit 70,000 ang dumalo sa nasabing campaign rally ayon sa mismong Philippine National Police (PNP).

Ayon naman kay Cavite Governor Jonvic Remulla ay may gustong patunayan ang kanilang probinsya.

“I asked them to come back. Cavite has something to prove,” ani Remulla.

Matatandaan na nangyari din sa parehong lugar ang campaign rally ni Vice President Leni Robredo na umabot naman ng 47,000.

Kaya naman napaisip ang mga netizens kung gusto nga bang patunayan ni Remulla na mas madaming tagasuporta si Marcos sa Cavite kaysa kay Robredo.

“Cavite is the epicenter of politics in the Philippines. Where Cavite goes, the country goes, so it has to start here,” sabi pa ni Remulla.

Todo pasalamat naman si Marcos sa kanyang mga tagasuporta sa Cavite.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular