Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesKris Aquino, nagpakita sa rally ni VP Robredo, ibinahagi ang liham ni...

Kris Aquino, nagpakita sa rally ni VP Robredo, ibinahagi ang liham ni PNoy para sa bise

Kahit na may iniindang karamdaman ay pinilit parin ni Queen Of All Media Kris Aquino ang pumunta sa grand rally ni presidential candidate Vice President Leni Robredo na ginawa sa Tarlac ngayong araw.

Ikinagulat ng mga tagasuporta ni Robredo ang pagdalo ni Aquino na kasalukuyang nagpapagaling sa kanyang karamdaman at mapapansin ang malaking ipinayat ng kanyang katawan dahil sa pakikipaglaban dito.

Makikita na kasama rin ni Aquino ang dalawa niyang anak na si Bimby at Josh at mga kapatid niya.

“Ang umapak dito sa Tarlac ay worth the risk.” sabi ng host.

Ibinahagi din ni Aquino ang diumano’y liham na isinulat ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para kay Robredo.

‘Sa’yo ko nakikita ang pananaw, iisang ang vision…In other words sinabi ni Noy na sa’yo ko nakikita ang sincerity at ang ability na unahin ang iba bago ang sarili.’

Pinaringgan din ni Aquino ang isang lokal na opisyal ngunit hindi niya ito pinangalanan.

Matatandaan na naging usap usapan noon sa social media si Aquino matapos niyang pakiusapan ang isang netizen na huwag gumamit ng ‘red heart emoji’ sa pagbibigay ng comment sa social media.

READ MORE: Kris Aquino, pinuna ang ‘red heart emoji’ ng kanyang follower: “Can you use yellow hearts or pink?”

Pinuna naman ito ng ilang netizen at pinayuhan si Aquino na magpahinga na muna sa pamumulitika at intindihin na lamang ang karamdaman niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular