Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsCongressman Teves pinagtanggol ang anak niyang nambugbog ng sekyu: “Yung mga gwardiya...

Congressman Teves pinagtanggol ang anak niyang nambugbog ng sekyu: “Yung mga gwardiya dyan bastos!”

Imbis na pagsabihan ay ipinagtanggol pa ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves ang kanyang anak na si Kurt na matatandaang sumikat sa social media dahil sa pambubugbog ng security guard.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Teves na mayroong dahilan kung bakit nagalit ang kanyang anak sa security guard ay bugbugin ito.

Ayon daw kay Teves ay matagal na daw talagang walang galang ang mga security guard na nagtatrabaho sa BF Homes Subdivision sa Parañaque.

“Hindi ko lang nareklamo dahil busy ako
pero ‘yung mga gwardiya dyan bastos, parang walang mga training.” ani Teves.

“Kung sino man ang nanuntok di naman ako maniniwala na walang rason.”

Hinamon din ng kongresista na isa rin sa mga may-ari ng e-sabong sa Pilipinas na kasuhan na lamang sila.

Tinawag ding “politically motivated” ni Teves ang ginagawa sa kanila ngayon.

“I don’t why they are trying to hype that in the media…I think it is politically motivated …trying to hit on me and my son. Kung anak ko talaga ang nakita nila kasuhan nila” ani Teves.

Wala pang tugon ang biktima na si Jomar Pajares sa banat sa kanya ng kongresista.

Ngayon ay pinag-aaralan ng Home Owners Association ng BF Homes ang susunod nilang hakbang laban kay Teves.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular