Friday, September 30, 2022
HomePoliticsCongressman Teves na ama ng nanakit sa security guard tinawag na “politically...

Congressman Teves na ama ng nanakit sa security guard tinawag na “politically motivated” ang issue

Tinawag na “politically motivated” ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Teves ang isyu ngayon na kinakaharap ng kanyang anak na si Kurt.

Matatandaan na nag viral sa social media ang ilang video na makikita ang anak ng kongresista habang sinasaktan ang security guard na si Jomar Pajares na nagta-trabaho sa BF Homes Subdivision sa Parañaque.

Sa panayam ng Bitag Network ni Ben Tulfo, nagtataka pa ang kongresista kung bakit balitang balita ang nasabing insidente.

Naniniwala si Teves na maaring may koneksyon sa politika ang ginagawang pagbabalita ng negatibo tungkol sa kanila.

“I don’t why they are trying to hype that in the media…I think it is politically motivated …trying to hit on me and my son. Kung anak ko talaga ang nakita nila kasuhan nila” ani Teves.

Tinawag din ni Teves na biktima ng “trial by publicity” ang kanyang anak.

Nag umpisa ang gulo dahil sa hindi pinapasok ni Parajes ang suspek dahil sa walang sticker ang sasakyan nito.

Makikita naman sa CCTV ng guard house na galit nang nakikipagusap ang suspek kay Pajares at hinamon pa ito ng barilan.

Sa ngayon ay hindi pa nagpapakita sa publiko ang suspek ngunit nagsalita naman ang kapatid nito na si Axl.

Ang gusto daw ay makausap ng personal ng suspek ang biktima.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular