Friday, September 30, 2022
HomePoliticsAnak ng kongresista na nanakit sa security guard, humingi ng tawad at...

Anak ng kongresista na nanakit sa security guard, humingi ng tawad at nag-resign: “

Sa unang pagkakataon ay nagpakita na sa publiko si Kurt Matthew Teves, ang anak ng kongresista na si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves matapos ang ginawa nitong pananakit sa isang security guard sa isang exclusive subdivision sa Parañaque City.

Sa harap ng mga media ay binasa ni Teves na katabi ang kanyang ama ang mensahe niya sa publiko at sa kanyang biktima na si Jomar Fajares.

Humingi ng tawad si Teves sa kanyang nagawa at sinabi nito na handa niyang harapin ang mga kaso na isasampa sa kanya dahil sa ginawa niya nitong Marso 16 sa BF Homes kung saan ay diumano’y pinaluhod niya at sinaktan si Fajares dahil lamang sa hindi siya pinapasok sa subdivision.

Nagdesisyon din itong magbitiw sa kanyang pwesto bilang Provincial Board Member ng Negros Oriental at ABC President.

“This incident is entirely on me and no one else… I am ready to do so … to Face the court and accept their decision. Having said that, I must respectfully resign from my office as a public official while I’ll face this problem and give time to reflect to my personal and as a person as well” ani Teves habang binabasa ang isang papel na naglalaman ng kanyang sasabihin.

Nagbigay naman ng pahayag ang mamamahayag na si Ben Tulfo na siyang pumoprotekta ngayon sa biktima.

“Siguro mapapatawad ka ng biktima mo kung “luluhod” ka rin sa pobreng guwardiya na si Jomar tulad ng ginawa mong nakita sa video.” ani Tulfo.

“But wait Kurt, there’s more. How about ‘yung polygraph challenge ng biktima mo kung sino ang nagsasabi sa inyo ng totoo na wala kang baril at hindi mo tinutukan yung guwardiya Tinatanggap mo ba ang hamon ng guwardiya sa’yo na magpolygraph test kayong dalawa?” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular