Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesKoko Pimentel, kinontra ang pag-endorso kay BBM: "PDP-Laban was established to oppose...

Koko Pimentel, kinontra ang pag-endorso kay BBM: “PDP-Laban was established to oppose the Marcos dictatorship!”

Hindi nagustuhan ni PDP-Laban Pacquiao Wing President Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang naging desisyon ng Cusi Wing na i-endorso sa pagkapangulo si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Pimentel na siyang anak ng founder ng PDP-Laban na si dating Senate President Nene Pimentel na ginawa ang kanilang partido noon upang kontrahin ang ‘diktadurya’ ng ama ni Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Pimentel ay pinatunayan lamang nila Energy Sec. Alfonso Cusi na hindi nila alam kung ano ba talaga ang PDP-Laban.

“With this latest action from Sec Cusi and his cohorts, they have manifested that they are total┬ástrangers to PDP LABAN. They don’t even acknowledge that PDP LABAN was established to
oppose the Marcos dictatorship.” ani Pimentel.

Hinimok din nito ang Commission on Elections (COMELEC) na dapat ay aksyunan na ang agawan na nangyayari ngayon sa PDP-Laban.

Matatandaan na nitong Marso 22 ay opisyal ng inendorso ng PDP-Laban Cusi wing si Marcos dahil sa ito daw ang may nakuha na pinakamaraming boto sa mga local council ng nasabing partido.

READ MORE: Game over na? Partido ni Pangulong Duterte na PDP-Laban opisyal ng inendorso si BBM bilang kanilang kandidato

Naniniwala rin sila na si Marcos ang may kaparehong plataporma kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular