Monday, October 3, 2022
HomePoliticsGame over na? Partido ni Pangulong Duterte na PDP-Laban opisyal ng inendorso...

Game over na? Partido ni Pangulong Duterte na PDP-Laban opisyal ng inendorso si BBM bilang kanilang kandidato

Opisyal ng inendorso ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP-Laban ang kandidatura ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanilang inilabas na pahayag nitong Marso 22, ipinaliwanag ng PDP-Laban Cusi Wing na si Marcos ang may pinakamaraming natanggap na endorsement mula sa mga local councils ng kanilang partido.

Si Marcos din daw ang nakita nilang mayroong plataporma na kapareho ng kagustuhan ni Pangulong Duterte na mangyari sa bansa.

Dahil dito ay opisyal ng inendorso ng PDP-Laban ang tambalan ni Marcos at ni Davao City Mayor Sara Duterte na tumatakbo sa pagkabise presidente.

Ikinagulat naman ng mga netizens ang naging desisyon ng PDP-Laban dahil noong mga nakaraang buwan ay binatikos pa ng Pangulo si Marcos at tinawag na ‘weak leader’.

“No. Because andiyan si Marcos e.” ani Duterte. “Hindi ako bilib. He is a weak leader. Totoo yan, di ako naninira, kasi spoiled child, only child.”

“He is a weak leader, totoo ‘yan, I do not foist lies, masisira ka. Bantay kayo, [baka] magkamali ang Pilipinas,” Dagdag niya pa.

READ MORE: Pangulong Duterte hindi makikipag alyansa kay Bongbong Marcos: “Hindi ako bilib . He is a weak leader.”

Ngunit sinabi ito ng pangulo noong tumatakbo pa ang kanyang pambato sana na si Sen. Christopher “Bong” Go sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Hindi naman malaman kung nagbago na nga ba ang isip ng Pangulo kaya’t hinayaan niya na ang PDP-Laban na i-endorso si Marcos.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang UniTeam sa endorsong natanggap nila mula sa ruling party.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular