Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesDong Abay, hindi payag gamitin ang kanta niyang 'Kumusta na' sa rally...

Dong Abay, hindi payag gamitin ang kanta niyang ‘Kumusta na’ sa rally ni BBM

Tinapos ng bokalista ng bandang Yano na si Dong Abay ang matagal ng haka-haka tungkol sa nilikha nilang awitin noong dekada 90s na ‘Kumusta na’.

Matatandaan na ginagamit ng mga tagasuporta ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nasabing awitin ni Abay bilang pagpapakita nila ng pagkadismaya sa kalagayan ngayon ng bansa 36 na taon matapos ang EDSA People Power Revolution.

Ginamit din ang nasabing kanta sa ilang mga campaign rally ng tambalan ni Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte.

Ngunit ayon kay Abay, hindi daw niya ginawa ang nasabing kanta upang gamitin ng mga tagasuporta ni Marcos.

Hindi rin daw papayag ang bokalista na gamitin ang nasabing kanta sa mga kampanya ng BBM-Sara.

“Ang kantang “Kumusta Na” na tungkol sa “EDSA Pipol Power” ay para sa sambayanang Pilipino.” ani Abay sa kanyang tweet.

“Hindi ko ito sinulat para sa Marcos loyalists kahit ako ay anti-Aquino. Over my dead body. At hindi ko pinahihintulutang gamitin ang kantang yan bilang jingle ng BBM-Sara Unithieves.” dagdag niya pa.

Nag bigay naman ng opinyon ang ilan sa mga followers ni Abay sa Twitter.

“Akin lng kung ayaw nu pagamit sa iba kanta nyo i pull out nyo or pa court order kau na wlang pde gumamit neto kungdi ako lng dmo maiiwsan ang tao na gamitin oh patugtogin un 1 musika na nagustuhan nila..isa din cla sa tumangkilik sa kanta mo kya sumikat kya sna wag maging hambog.” sabi ni @kimochii23.

“Pati nga yung Banal na Aso Santong Kabayo ginagamit nila sa propaganda videos nila para sa kalaban nila, eh sila naman itong numero unong hipokrito,” ani @enteng1177.

Wala pang pahayag ang UniTeam tungkol sa pahayag ni Abay.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular