Friday, September 30, 2022
HomePoliticsAnak ni Cong. Teves, ginamit ang kapatid para humingi ng 'sorry' sa...

Anak ni Cong. Teves, ginamit ang kapatid para humingi ng ‘sorry’ sa binugbog na sekyu: “Peace na tayo”

Hanggang sa ngayon ay wala pang lakas ng loob magpakita sa publiko ang anak ni Negros Oriental 3rd District Representatives Arnie Teves na si Board Member Kurt Teves na matatandaang nambugbog ng isang security guard sa BF Homes, Parañaque.

Dahil dito ay ang kapatid na lamang ni Kurt na si Axl Teves ang humingi ng patawad sa biktima na si Jomar Pajares na hanggang ngayon ay hindi parin makabalik sa kanyang trabaho dahil sa takot na nararamdaman niya matapos ang insidente.

Ayon kay Axl ay gusto daw ni Kurt na makipagkita ng personal kay Pajeres upang personal na humingi ng patawad.

Ngunit hindi naman malaman kung papayag ang biktima dahil matatandaan na sinabihan din ito noon ng suspek na makikipagusap lamang ngunit sa huli ay sinaktan lamang siya nito.

“Hihingi po kami ng patawad sa lahat ng pagkakamali ng brother ko. Yung brother ko po mismo ang kakausap sa’yo, sasamahan ko,” ani Axl.

“In behalf of my family and my brother Kurt, I want you to know na willing na willing kami na kumausap sa’yo nang maayos kung saan mo gusto, tapos isama mo kung sino ka comfortable,” dagdag niya pa.

Pabor naman si Axl na mali ang ginawa ng kanyang kapatid.

Handa naman daw makipagusap ang Homeowners Association ng nasabing subdivision na pinagtatrabahuhan ng biktima ngunit hindi pa daw ngayon.

“Magandang move sa kanila kung ipakita nila yung ganoon. Siyempre sa ngayon kasi masyadong ano pa yung guwardiya, traumatized. So siguro some other time, hindi pa ngayon,” ayon kay Atty. Delfin Sipapo jr. chairman ng legal committee ng BFFHAI.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Congressman Teves sa ginawa ng kanyang anak.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular