Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesABS-CBN journalist Karen Davila, sumama sa campaign rally ni Bongbong Marcos sa...

ABS-CBN journalist Karen Davila, sumama sa campaign rally ni Bongbong Marcos sa Cavite

Usap usapan ngayon sa social media ang pagsama ni ABS-CBN journalist Karen Davila sa campaign rally ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Cavite nitong Marso 22.

Sa ilang video sa social media ay makikita si Davila na nakasakay mismo sa sasakyan ni Marcos habang binabagtas nila ang Dasmariñas City.

Dahil dito ay inisip ng mga netizens na sinusuportahan ni Davila si Marcos.

Uy, teka! Hindi ba anti-Marcos si Karen Davila? Bakit nandoon sa caravan ni BBM naka angkas pa sa likod. Hahaha! Natawa talaga ako. Unity na ba talaga ito? Ikaw, Karen ah.” ani netizen veaveem.

“What the heck is Karen Davila doing inside the UniTeam campaign in Cavite? Joining the caravan? Joining BBM onstage? Let’s not forget that she has been an out-and-out dilawan. I don’t trust her close presence with BBM.” sabi naman ni @pinoyanghang.

Nilinaw naman ni Davila na hindi siya sumama sa motorcade ni Marcos para suportahan ang kandidato kundi ay parte lamang daw ito ng assignment niya bilang mamamahayag sa ABS-CBN.

“ABSCBN’s Kampanya Serye On The Road & Presidential Intvws shoots today. I have been assigned to trail Presidential Aspirants Bongbong Marcos & Sen Manny Pacquiao. Henry Omaga Diaz is covering VP Leni Robredo & my co-anchors have been assigned to other candidates.” ani Davila.

“Eto po ang resibo sana huwag magkalat ng fake news. Finished my one on one w Sen Manny Pacquiao a few nights ago, will still be joining him on a sortie soon. Today, I am with former Sen Bongbong Marcos for the day. Watch out for the ABSCBN SPECIALS #Halalan2022 soon!” dagdag niya pa.

Nagbigay naman ng reaksyon ng mga followers ni Davila matapos ang kanyang paglilinaw.

“BBM’s supporters are assuming your endorsement already” sabi ni @dailydoseofcare.

“Ingatan ang mga gamit pag kasama ‘yung isa, Kapamilya!” mensahe naman ni Kapamilya party-list Nominee Jerry B. Grácio.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular