Wednesday, October 5, 2022
HomeNetizen's VoiceNetizen, sumama ang loob matapos mawasak ang kanyang garden ng mga dumalo...

Netizen, sumama ang loob matapos mawasak ang kanyang garden ng mga dumalo sa Kakampink rally sa Pasig

Hindi napigilan ng isang netizen na ibahagi ang sama ng loob niya matapos mawasak ang kanyang garden matapos diumanong daanan ito ng mga dumalo sa campaign rally ni Vice President Leni Robredo sa Pasig City nitong Linggo.

Sa post ni netizen @norbertodalanon03 sa TikTok ay ipinakita niya kung ano ang nangyari sa kanilang mga halaman matapos ang nangyaring rally ni Robredo.

Makikita na halos wala ng halaman na natira sa kanilang hardin dahil sa natapakan na ito diumano ng mga dumalo sa rally na dinaluhan ng libo libong tagasuporta ng oposisyon.

Ipinakita rin ng netizen ang mga basura na iniwan ng mga nag-rally na ngayon ay lilinisin pa nila.

“Yung garden namin, punong puno ng halaman pero ngayon tignan niyo puro lupa nalang ang makikita ninyo kasi inapakan na nila,” sabi ng netizen.

Hindi man lang daw inisip ng mga pumunta sa rally na pinaghirapan nilang alagaan ang mga nasabing halaman.

 

“Kayo na po ang humusga sa kanila,” sabi ng netizen bago matapos ang video.

Wala pang pahayag ang may-ari ng mga halaman kung magsasampa ba sila ng reklamo laban sa mga organizer ng nasabing rally.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular