Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesKit Thompson ikinuwento kung bakit niya nagawang pagbuhatan ng kamay si Ana...

Kit Thompson ikinuwento kung bakit niya nagawang pagbuhatan ng kamay si Ana Jalandoni: “Nagulat lang ako”

Sa unang pagkakataon ay nakakuha ang mga netizens ng pahayag mula sa aktor na si Kit Thompson na matatandaan na hinuli ng mga otoridad dahil sa ginawa niya sa nobya niyang si Ana Jalandoni.

Sa tulong ni Direk Darryl Yap, nalaman ng mga netizens kung ano nga ba ang nasa isip ni Thompson bago niya pagbuhatan ng kamay ang kanyang nobya.

Ayon kay Thompson ay nabigla lamang siya kaya niya ito nagawa kay Jalandoni.

“Direk, nagulat lang ako. I’m just a man trying to understand everything but everything that was given to me at my face was just too much.” sabi ni Yap sa panayam sa kanya ng Pep.ph.

Mas nanaig daw kay Thompson ang emosyon kaysa sa gamitin niya ang kanyang isip sa gitna ng naging problema nila ni Jalandoni sa loob ng hotel room nila sa Tagaytay.

Ikinalungkot naman ni Yap ang nangyari dahil pareho niyang kaibigan si Thompson at Jalandoni.

“Both of them are my friends. Both of them, I truly love. I just can’t give details because it would be exhibited on the case…lalabas din naman sa kaso, so I don’t think it’s proper for me to divulge.” sabi ng direktor.

“Sooner or later, everything will be put into light.” dagdag niya pa.

Kasalukuyang nakalaya si Thompson matapos itong magpiyansa ng P72,000.

Hanggang ngayon ay hinihintay parin ng publiko ang opisyal na pahayag mula kay Thompson.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular