Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaAnak ng Congressman na si Kurt Teves, hinamon ang security guard: "Suntukan...

Anak ng Congressman na si Kurt Teves, hinamon ang security guard: “Suntukan tayo? Barilan tayo?

Ibinahagi ng GMA News ang ilang mga footage na mas magbibigay linaw sa imbestigasyon ng pulisya laban sa anak ng isang mambabatas na diumano’y binugbog at pinaluhod ang security guard ng isang exclusive subdivision na ginagawa lamang ang kanyang trabaho.

Sa footage na ibinahagi ng GMA, makikita si Board Member Kurt Teves na sakay sakay ng pickup truck habang kausap ang biktima na si Jomar Pajares sa gate ng BF Homes Subdivision, Parañaque City nitong Marso 16.

Makikita sa video na tila nag-iinit na ang ulo ni Teves, sa security guard at sinisigaw sigawan na ito.

Hinamon pa ng anak ni Congressman Negros Oriental 3rd District Representatives Arnie Teves ang security guard ng “suntukan” at “barilan”.

“Suntukan tayo? Barilan tayo? ‘Di ka dapat ganu’n magsalita, dapat guwardya ka eh. Ano gusto mo nga, mabarilan tayo? May baril ka diyan.” ani Teves.

Ipinaglalaban ni Teves na mayroon siyang bahay sa loob ng BF Homes at bago lamang ang kanyang sasakyan kaya’t wala itong sticker.

Hindi parin siya pinapasok ng guwardya kaya bigla nalang hinila ni Teves ang pulis.

Matapos ang ilang minuto ay bumalik ang ang suspek gamit ang ibang sasakyan na mayroon ng sticker ng subdivision ngunit imbis na tapusin na ang isyu ay lalo pang pinalala ng anak ng kongresista ang sitwasyon matapos niyang saktan ang pobreng security guard.

Inihahanda na ng Home Owners Association ng BF Homes ang kaso laban kay Teves.

Hanggang ngayon daw ay hindi parin makalimutan ng biktima ang ginawang pamamaliit sa kanya ni Teves na pinapasweldo ng pondo ng bayan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular