Friday, September 30, 2022
HomePoliticsVP Robredo kay Sen. Lacson: "Lahat na infrastructure considered siya n infrastructure...

VP Robredo kay Sen. Lacson: “Lahat na infrastructure considered siya n infrastructure program”

Mainit ang naging palitan ng mensahe sa pagitan ni Vice President Leni Robredo at Senador Ping Lacson sa ginanap na Commission on Elections (COMELEC) debate nitong Marso 19.

Tinanong ni Lacson si Robredo tungkol sa farm-to-market road na isinusulong ng bise kung siya nga ang manalo sa pagkapangulo.

Sinabi naman ng bise na hindi magiging ‘big ticket project’ ang farm-to-market road ngunit ito daw ay magiging isang infrastructure project.

“Nais ko lang tanungin si Vice President Leni Robredo, na ‘yung farm-to-market road ay considered na big ticket project na papasok sa ating Build, Build, Build program ng ating gobyerno?” tanong ni Lacson.

“Hindi po siya big ticket project pero infrastructure project po siya, kabahagi po siya ng infrastructure, sisiguraduhin natin na binibigay natin para sa ating mga magsasaka.”  tugon naman ni Robredo.

Dahil sa nangako si Robredo na ipagpapatuloy niya ang ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyong Duterte ay tinanong ni Lacson kung magiging parte nga ba ng BBB ang nasabing proyekto ng bise para sa mga magsasaka.

“Papasok po ba ‘yun sa Build, Build, Build ang farm-to-market roads?” tanong muli ng senador.

“Hindi po natin tatawaging Build, Build, Build po ang ating programa, lahat na infrastructure considered siya n infrastructure program.” sagot naman ng bise.

Hindi naman napigilan ang mga netizen na magbigay ng kanilang naging reaksyon sa palitan ng mensahe nila Lacson at Robredo.

“Kawawa ang pinas pag itong babae na to ang nanalo. Cory lang din ang style nito. Kunware santo,” sabi ni Brye De Jesus.

“When i heard her answer last night, natawa na lang ako! Thank you Sen. Lacson for stirring her brains a little bit (pa lang yan!). Big ticket projects entail huge funding if you plan to build farm to market roads for the entire Phils.! Baka hindi naintindihan ang big ticket?” komento naman ni Ann Gendrala.

“Thank you Sen. Lacson for asking that questions. It shows how her brain capacity is too low. That’ why I voted for you. You are more competent than her.” ani Fides Anne Molina.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular