Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesVivian Velez may hamon sa mga tagasuporta ni Marcos: "Mag ambag kayo...

Vivian Velez may hamon sa mga tagasuporta ni Marcos: “Mag ambag kayo para bayaran ang estate tax ni BBM”

May hamon ang Director General ng Film Academy of the Philippines na si Vivian Velez sa mga tagasuporta ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang Facebook post, binanggit ni Velez ang diumano’y P203.8-B estate tax na hindi pa nababayaran ng pamilya Marcos sa gobyerno.

Ayon sa dating aktres ay mas makakabuti kung ipapakita ng mga tagasuporta ni BBM ang unity sa pamamagitan ng pag-ambagan upang mabayaran na ng kanilang sinusuportahan ang utang nila sa gobyerno.

“Mga [Marcos] Apologists: Ipakita ninyo ang inyong UNITY. Mag ambag kayo para bayaran ang P203.8 Billion na estate tax ni BBM.” ani Velez.

Noong 1997 ay iniutos ng Korte Suprema na dapat ay magbayad ang pamilya Marcos ng P27-B na ngayon ay umabot na sa P203-B dahil sa interes at penalties.

Mariin namang itinanggi ng kampo ni BBM na hindi pa masasabi ng P203-B nga ang kailangang bayaran ng mga Marcos dahil ang mga ari-arian na pinag-uusapan sa nasabing estate tax ay pinoproseso parin ng korte hanggang ngayon.

“This case is hinged on a legal issue that has yet to attain finality since the government through the public prosecutors has filed a Motion for Reconsideration with the Sandiganbayan, on the forfeiture proceedings on the very same properties that were made the tax base in the computation of the estate tax by the BIR (Bureau of Internal Revenue) thus, the properties subject of the estate tax case are still under litigation,” ani Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos.

“In fact, even BIR and the Presidential Commission on Good Government (PCGG) have arrived at an agreement for the BIR to wait for the decision on the said case before any collection enforcement activities and to establish ownership of the subject properties with certainty to determine with accuracy the fair and just tax base to be used in computing estate taxes, if any,”  dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular