Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesKit Thompson “selos” ang posibleng dahilan kung bakit binugbog at ikinulong ang...

Kit Thompson “selos” ang posibleng dahilan kung bakit binugbog at ikinulong ang aktres na si Ana Jalandoni

Inilabas na ng pulisya ang pinaniniwalaan nilang dahilan ng pambubogbog at pagkulong ng aktor na si Kit Thompson sa kanyang nobya na si Ana Jalandoni nitong Biyernes.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Tagaytay City police chief Lt. Col. Rolando Baula na parehong lasing si Thompson at Jalandoni ng mangyari ang insidente sa loob ng hotel na kanilang tinutuluyan.

“Nakakaramdam na ‘yung babae ng hindi maayos kaya tinawagan niya ‘yung friend niya,” sabi ni Baula sa panayam sa kanya.

Dahil daw sa mahina ang signal ay umakyat sa third floor ng hotel si Jalandoni kung saan ay kinausap niya ang kaibigan niya hanggang siya ay makatulog.

Sinundan naman ito ni Thompson at kinaladkad si Jalandoni sa kanilang hotel room kung saan ay inumpisahan niya ng bugbugin ang aktres.

Pinaniniwalaan na nagsuspetsa si Thompson kay Jalandon kaya nito nagawa ang krimen.

“Base sa imbestigasyon meron siyang bruises sa mukha, tapos inuntog pa raw ang ulo niya seven times… nakakaramdam siya ng dizziness at times.” sabi ng hepe.

READ MORE: Aktres na si Ana Jalandoni, nailigtas ng mga pulis matapos itong ikulong ng aktor na si Kit Thompson

Samantala ay nagkwento din ng kapatid ni Jalandoni kung ano nga ba ang ginawa ni Thompson sa nobyan nya.

“Sabi niya, sinampal muna daw siya, sampal… then sampal, suntok, suntok, sampal, sampal sa ulo.” kwento ni Marie Jalandoni.

“Kaya yung mukha niya ngayon… sobrang namamaga… as in sobra talaga…” dagdag niya pa.

Wala pang pahayag ang kampo ni Thompson hanggang ngayon.

Sa ngayon ay humaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Children Act ang aktor.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular