Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesDoc Adam Smith, pinasaringan ang mga boboto sa kandidato na 'di nagbabayad...

Doc Adam Smith, pinasaringan ang mga boboto sa kandidato na ‘di nagbabayad ng tax’

Binatikos ng Australian vlogger na si Dr. Adam Smith o mas kilala bilang ‘Doc Adam’ ang mga boboto sa diumano’y isang kandidato na hindi nagbabayad ng kanyang tamang buwis.

Sa kanyang Twitter, tinawag na ‘awkward’ ni Doc Adam ang mga botante na pinili ang nasabing kandidato.

“Yung awkward moment na nagbabayad ka ng tax‚Ķ Pero ung boboto mo di nagbabayad,” ani Doc Adam.

Mula sa tweet ni Doc Adam (@docadamsmith)

Hindi man pinangalanan ni Doc Adam ang nasabing kandidato ay maraming netizen ang naniniwala na si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang binabangit nito.

Matatandaan na nahaharap ngayon sa kontrobersiya si Marcos na nangungunang kandidato sa mga survey dahil sa diumano’y hindi pa bayad na P203-B estate tax ng kanilang pamilya.

Hindi naman napigilan ng ilang netizens na magbigay ng kanilang reaksyon sa sinabi ni Doc Adam.

“Yung nakiki epal sa issues na foreigner, Pinoy baiting at clout chaser para magkaviews,” sabi ni @ma1neeventually.

“Mas awkward yung wala kang alam sa tax law pero ang daldal mo.” ani @YesYesYo13.

May isang netizen din na gusto siyang ipa-deport ngunit nilinaw niya na hindi siya naninirahan ngayon sa Pilipinas.

Mula sa tweet ni Doc Adam (@docadamsmith)

Karamihan ng mga followers ni Doc Adam ay mga Pilipino kaya naman hindi na nakapagtataka kung magbigay ito ng opinyon tungkol sa mga nangyayari sa bansa.

Nitong nakaraang taon lamang ay umabot ng P8-M piso ang naibigay na donasyon sa kanya ng mga followers niya dahil sa kinakaharap niyang kaso mula sa isang negosyante.

Hindi naman napigilan ng ilang kritiko ng vlogger na akusahan ang doktor ng ‘pinoy-baiting’ o ‘yung paggamit sa pagiging mapagmahal ng mga Pilipino sa mga banyaga.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular