Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesWag judgmental! Management ni Kit Thompson, pinayuhan ang mga netizen na wag...

Wag judgmental! Management ni Kit Thompson, pinayuhan ang mga netizen na wag kagad husgahan ang talent nila

Naglabas ng pahayag ang entertainment agency na may hawak sa aktor na si Kit Thompson na matatandaan na humaharap ngayon sa malaking isyu matapos niya diumanong ikulong at saktan ang kanyang nobya na si Ana Jalandoni.

Sa kanilang pahayag, sinabi ni Cornerstone Management na dapat ay hindi muna husgahan ng mga netizens ang kanilang talent na ngayon ay nasa kamay na ng mga otoridad.

“We request the public to be mindful of casting judgment based on unfounded reports being circulated online,” sabi ng management.

Ilang netizens ang hindi nagustuhan ang sinabing ito ng Cornerstone.

Nilinaw naman ng agency ni Thompson na hindi nila pinapayagan ang mga talent nila na gumawa ng masama sa kanilang kapwa.

“The Cornerstone Management does not condone any act of violence and profoundly value the dignity of women,” sabi nila.

“We take this opportunity to clarify that our earlier statement was issued with no knowledge of any specific details as we were in receipt only of general allegations. Neither were we privy to any photos of the incident.” dagdag pa nila.

Sa ngayon ay hahayaan na muna nila na umandar ang imbestigasyon laban kay Thompson.

Matatandaan na nag viral sa social media ang mga larawan ni Jalandoni kung saan ay humihingi ito ng tulong sa kanyang mag kaibigan dahil sa hindi siya pinapaalis ni Thompson sa hotel nila sa Tagaytay.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ng aktor kung ano nga ba ang naging dahilan kung bakit niya sinaktan ang kanyang nobya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular