Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesAna Jalandoni, nagsalita na matapos ma-rescue ng mga otoridad sa nobyo na...

Ana Jalandoni, nagsalita na matapos ma-rescue ng mga otoridad sa nobyo na si Kit Thompson

Nagsalita na sa unang pagkakataon ang aktres na si Ana Jalandoni ilang oras matapos siyang mailigtas ng mga otoridad sa kamay ng kanyang nobyo na si Kit Thompson.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Ana ang kanyang kalungkutan dahil sa nakaranas siya ng pagmamalupit sa kanyang nobyo.

“When you love someone you will never ever harm them. Minahal mo ba talaga?“ ani Ana sa kanyang post.

“This is me saying, you all should be careful out there. I can’t reply to all of you right now but thank you for checking up on me. “ dagdag niya pa.

“I will release a statement soon.”

Ibinahagi din nito ang isang selfie kung saan makikita ang pinsala na ginawa sa kanya ng aktor.

Matatandaan na matagumpay na nailigtas ang aktres ng mga otoridad matapos itong humingi ng tulong sa mga otoridad.

“Kuya please help me. Please call the police!!! Keith is killing me. Pls help me kuya,” ani Jalandoni sa kanyang text message sa mga kakilala niya.

“I’m here at Tagaytay. Pls don’t call me he’s gonna be wake up.” dagdag niya pa.

Nagpakita naman ng suporta ang mga netizen sa aktres.

“It’s not your fault and it will never be your fault. Thank you for being strong enough to speak up for yourself. And Im hoping for your fast recovery, not just physically. Im waiting for you to heal mentally and emotionally too. It not gonna be an easy ride, but we believe on you. You can do that. We know you can.” sabi ni Hannah Camile.

“Get well soon idol. Always remember that you are worthy of respect to be treated equally.” ani Arjen Montealegre.

Pinaalala naman ng management ni Kit na huwag munang maghusga ng mga netizens at alamin muna ang buong kwento.

“However, we request the public to be mindful of casting judgment based on unfounded reports circulating online,” sabi ng Cornerstone Entertainment.

Posibleng humarap sa patong patong na kaso ang aktor na nasa kamay na ng mga otoridad.

Sa ngayon wala pang pahayag si Kit tungkol sa nangyari.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular