Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesAktres na si Ana Jalandoni, nailigtas ng mga pulis matapos itong ikulong...

Aktres na si Ana Jalandoni, nailigtas ng mga pulis matapos itong ikulong ng aktor na si Kit Thompson

Matagumpay na nailigtas ng mga otoridad ang aktres na si Ana Jalandoni matapos siyang diumano’y ikulong at saktan ng aktor na si Kit Thompson sa isang hotel sa Tagaytay.

Sa ilang larawan na kumakalat sa social media, makikita ang paghingi ng tulong ni Jalandoni sa kanyang mga contact.

Makikita rin na kumuha ng litrato si Jalandoni upang ipakita ang mga pinsala sa mukha niya na kagagawan ni Thompson.

“Kuya please help me. Please call the police!!! Keith is killing me. Pls help me kuya,” ani Jalandoni sa kanyang text message.

“I’m here at Tagaytay. Pls don’t call me he’s gonna be wake up.” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay ginagamot na sa ospital si Jalandoni.

Dinala naman si Thompson sa presinto upang kwestiyunin ng mga otoridad.

Maaring maharap sa patong patong na reklamo si Thompson dahil sa ginawa niya sa aktres.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Thompson kung bakit niya ikinulong at sinaktan ang kanyang nobya.

Matatandaan na nitong 2020 ay inanunsyo ni Thompson ang relasyon niya kay Jalandoni.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular