Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedValentine Rosales, sumama ang loob sa mga kapwa Kakampink: "Para silang diktador"

Valentine Rosales, sumama ang loob sa mga kapwa Kakampink: “Para silang diktador”

Masama ang loob ng internet celebrity na si Valentine Rosales sa mga tagasuporta ni presidential candidate Leni Robredo matapos siyang mabatikos ng mga ito dahil sa kanyang kwento tungkol sa isang convenience store.

Sa kanyang Tiktok, binatikos ni Valentine ang mga kritiko niya na Kakampink dahil tila umaasta silang ‘diktador’.

Itinanggi din nito na sinusuportahan niya si Robredo kahit na kitang kita naman ito sa dati nitong post na tinawag niya na ang sarili niya na isang ‘Kakampink’.

Yung ibang mga Kakampink, napansin ko, ayaw nila sa diktador. Pero, sila mismo, kung umarte, para silang diktador. Sino yung diktador ngayon, ‘di ba?” ani Valentine.

Sa ngayon daw ay undecided na muli siya pagdating sa pipiliin sa pagkapangulo ngunit ayon sa kanya ay iboboto niya sa pagkabise si Mayor Sara Duterte.

“Lilipat na talaga ako… di ako sure kung si BBM, si Lacson, o si Isko. Medyo undecided ako.” sabi pa niya.

Matatandaan na nag viral sa social media si Valentine dahil sa kanyang kwentong 7-11.

READ MORE: Barbero? Netizen na Kakampink, pinuna dahil sa kwentong 7-11 niya: “Closed na po yung 7-11 Alimall Cubao”

“May pumasok na lalaki, ang sama pa ng tingin sakin porket Leni yung hawak hawak kong baso.” ani Valentine. “Then pagka kuha niya ng milktea na drink bigla siya umalis, tapos nung patapos na ko kumuha ng Drink nilapitan ako ni Kuya Cashier sabi niya Sir kasama niyo po ba yung lalaking lumabas? Sabi ko sino po? Mag isa lang po ako dito. Sabi niya kumuha daw kasi ng drinks tapos di nag bayad. Sabi ko yun ba yung pandak na naka black tapos medjo panot.”

“Natawa si Kuya sabi niya “opo sir. Nakita niyo po ba anong tumbler po na kinuha niya?” Sabi ko yes po, bat kailangan niyo po ba yun malaman?” Sabi ni kuya Cashier “opo sir. Kasi sa inventory po pag inaaudit po kami.” Sabi ko yung kay BBM po ang ni kuha niya eh.” dagdag niya pa.

Ngunit napag alaman na matagal na palang sarado ang nasabing branch na binabangit niya sa kwento niya.

READ MORE: Branch ng 7-11 sa kwento ni Valentine Rosales, kumpirmadong sarado na

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular