Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesSal Panelo, may mensahe kay Sharon Cuneta: “Mahal kita”

Sal Panelo, may mensahe kay Sharon Cuneta: “Mahal kita”

Kinanta muli ni senatorial candidate Salvador “Sal Panalo” Panelo ang awitin na naglagay sa kanya sa kontrobersiya.

Sa harap ng kanyang mga fans sa Pasay City, inawit muli ni Panelo ang kanta na pinasikat ni megastar Sharon Cuneta na ‘Sana’y Wala Nang Wakas’.

Matapos ito awitin ni Panelo ay nagbigay muna siya ng munting mensahe para kay Cuneta.

“Sharon Cuneta, mahal kita!” ani Panelo na inamin na isang Sharonian.

Matatandaan na binatikos ni Cuneta ang pagkanta ni Panelo ng nasabing awitin at tinawag itong “nakakahiya”

READ MORE: Nakakahiya! Sharon Cuneta, ikinabwisit ang pagkanta ni Atty. Sal Panelo sa kanyang awitin: “Don’t mess with a classic!”

Ngunit kalaunan ay binura din ni megastar ang kanyang post matapos ipaliwanag ni Panelo na kinakanta niya lamang ito upang alalahanin ang namayapa niyang anak na mayroong Down Syndrome.

“I’m sorry she feels that way. It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song.” ani Panelo.

“I also thought I was paying homage to the composer, the late Willy Cruz and of course, to Ms. Sharon Cuneta, by singing it. I wasn’t profiting from it, and certainly not trying to get elected by singing it. I was just trying to entertain the people who took time out of their busy lives to see and listen to us. I don’t understand what’s so offensive about that.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular